Lunes, Pebrero 27, 2017

Paulit-ulit



Hmmmm.isa sa mga expression na nauuso ngayon ay ang salitang "paulit-ulit"...

Ginagamit sa mga usaping kulitan or sa mga naiinis din ng mga taong pinagtatanungan natin,dahil di natin makuha agad ang nais nais nyang ibig sabihin at kung minsan naman ay alam na natin ang ibig sabihin pero gusto pa din na "paulit-ulit"pang ipaliwanag sa atin.

Sa aking palagay sa katagang "paulit-ulit" na yan... Alam ninyo bang si God ay gusto nyang "paulit-ulit" tayong lumalapit at nagtatanong sa Kanya? Nais nga Nya na para tayong mga bata kapg lumalapit sa Kanya..


Paulit-ulit na habag at kaawaan  (Mercy)
Sa palagi lagi or paulit ulit tayong nagkakasala sa Panginoon ay patuloy Nya pa rin tayong kinahahabagan at kinaawaan at kahit na tayo ay paulit-ulit.. At palaging nanaig ang Kanyang pagmamahal sa atin,.


"Mapagpatawad ka at napakabuti;sa dumadalangin at sa nagsisisi,ang iyong pag-ibig ay mananatili". Awit 86:5


Kung ang Diyos ay may mercy (awa, habag) sa iyo,at nanatili un,kahit na "paulit ulit" tayong nagkakasala.. Dapat mayron din tayo sa ating kapwa kahit na paulit-ulit tayong nasasaktan.








Linggo, Pebrero 26, 2017

Personal Witness....






Hi! it's been a while blogging... so much busy in doing things but hopefully ay makapag sulat ulit at magkaron ng oras para makapag blog at mai-share ko naman sa inyong lahat ang aking reflection ulit.Do you miss me ba?...

This time here is my short sharing about Evangelism or Personal witness....

Sabi nga ng Biblia:
"Therefore go and make disciples of all nations, baptizing them in the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit," Matthew 28:19

Sabi ng Lord yan bago sya umakyat sa langit at yan ang bilin nya sa ating mga Anak nya,..kung kaya naman after ng Church Service namin kahapon ay ng Evangelism Drive na kami sa San Mateo Rizal,na kung saan ay na invite lang muna ako with my daughter at ang Nanay ko,. then naisip ko naman ay bakit di ko i try na mag evangelise kami dun kasama ung mga manggagawa sa church at eto na ung pagkakataon na makapag bahagi ng Gospel sa mga tao doon.Kaya ayun pumunta na kami, at kulitan sa biyahe,kantahan at picturan,eh mawawala ba naman un,ika nga enjoy mo ung mga moment na kasama ang mga kabataang kapatiran at isama pa ang picturan para may memories talaga. Alam nyo, masayang kasama mga kabataan kasi bukod sa mga magugulo,makukulit,masasayang kasama at pakiramdam ko ay bumabata ako hehehe.... minsan nga mas teen ager pa ako hihihihi!

Pagdating dun sa San Mateo at napakahaba ng biyahe talaga naman nakipag bakbakan ka sa mga alikabok,usok,ingay at init,hehheeh...

Praise God!naman ay nakapag evangelise kami at marunong karanasan na aming naranasan at kakaiba talaga,napagtanto ko na mas mahirap pala talaga mag share ng Gospel dito sa ating sariling bayan kaysa sa ibang bansa, baligtad no? kung kailan same kayo ng language dun pa mas mahirap ehhh samantalang sa ibang bansa ay English ang ginagamit kapag may ang binabahaginan mo ay ang mga  ibang lahi katulad noong karanasan namin ng pamilya ko noong nasa Dubai pa kami,at minsan pa nga ay nag aarabic ka pa hehehe...basic lang naman ang alam ko sa language na yan... May mga tumanggap naman at meron namang hindi pero ayos lang un kasi ang importante naman dun ay nataniman sila ng Salita ng Diyos,kaya masaya kaming umuwi kasi nakapag bahagi kami ng Salita ng Diyos sa mga tao dun sa San Mateo Rizal..Sa Diyos lamang ang kapurihan!


Sabagay dito kasi sa atin di mo masisisi na maging ganun  kasi sa dami ng mga manloloko ay talagang nag iingat ang mga tao,...

Sabi ko nga minsan nais ko din magbahagi ng Gospel sa bus,jeep or kahit saan,humihinge pa lang ako ng lakas ng loob sa Panginoon kasi di biro un lalo na kapag di mo kilala ung mga kakausapin mo,..Talagang si Lord ang magbibigay sa iyo ng kalakasan..

Ang galing talaga ng Lord! I am so blessed na ginagamit Nya ako at kahit alam kong di ako karapat dapat ay patuloy Nya akong ginagamit at ang nakakatuwa pa kasi eto nakakapag blog pa ako na dati ay pangarap ko lang ang mag sulat..

Can you share testimonies about sa evangelism,ung mga naging karanasan nyo at ano ung nararamdaman nyo kapag may nagrereject at tumatanggap sa Panginoon...Thank you and may the Lord Jesus Christ bless your day!

Until next time mga kapatid at sana ay patuloy nyong suportahan ang aking munting blog.God bless you all!!!- Neera Light<3

Biyernes, Pebrero 24, 2017

Edsa People Power Revolution Dekada '86..................




Ano ang mga sumasagi sa isip mo tuwing sumasapit ang Feb 25? Ano ang mga naalaala mo dyan? Yun bang para sa iyo ay naging history nga ba ito? Nakatulong ba sa bansa natin ung tinatawag na Edsa People Power Revolution? Noong Feb 25,1986???....

Nangyari ito noong dekada '86 noong panahon ng Marcos Administration at kung saan ay ito ung panahon na pinatalsik sya ng mga taong bayan,( sa aking palagay, ay mga na brainwash lang ang mga ito, sapagkat sa tutoo lang di naman nila alam kung ano ba talaga pinaglalaban nila noong mga panahong un..)   at nag sama sama ang lahat dahil marami ang naniniwala na tama na daw! sobra na daw! at kung di ako nagkakamali ay 20 years nanunungkulan bilang Pangulo si Dating Pangulong Ferdinand Marcos na ngayon ay nakahimlay na sa Libingan ng mga Bayani,...Napanood ko ito sa TV habang sinasagawa ung People Power at sa tutoo lang di ko pa naiintindihan kung ano ang pinaglalaban ng mga tao na un, basta ang alam ko lang ay gusto na nilang palitan ang namumuno sa bansa natin noon,at nakakapagtaka din kasi ang alam ko kapag napaalis ang President,ang papalit dito dapat ay ang Vice President pero pumalit noon ay isang biyudang Aquino at first time in history na nagkarun ng babaeng pres....


Pero pagkatapos nun,ano na nangyari sa bansa natin? napaunlad ba?umangat ba tayo?or dumami lang ang mga magnanakaw sa bayan at walang interes kundi ung mga sarili lang nila...


Opppssss...bago muna ang gusto ko muna sabihin sa inyo na di naman ako against sa kahit kaninong politiko...Makabayan ako at ang concern ko ung ating Inang Bayan at wala ng iba,, lagi ko nga pinagdadasal na sana dumating ang panahon na maging maayos ang bansa natin na katulad ng sa Korea or sa mauunlad na bansa na naunhanan na tayo sa pag unlad like Japan... Ansarap sana mag aral ng World History pero mahabang usapin ito at heheheh ,,,,malawakang pag reresearch ang gagawin natin dito....


Balik tayo sa topic natin about sa People Power na sinasabi nila.. Bukas ay icecelebrate at kanilang gugunitain ang mga nakalipas,.. sila lang un at utang na loob ayaw ko makisama dyan kasi para sa akin wala naman akong nakitang pagbabago simula nung nangyari yang Edsa Revolution na yan at lalo lang nagkahirap hirap ang bansa natin sa tutoo lang,...


Hanggang sa ngayon, inaalala pa rin ang mapayapang rebolusyon na napangyari sa EDSA highway noong Pebrero  25, 1986 na kilala sa katawagang EDSA People Power Revolution. Dahil sa pangyayaring ito, naging tampok ang ating bansa sa ipinakitang matinding pagkakaisa na nag-udyok sa mapayapang rebolusyon na kung saan ay walang dumanak na dugo,sapagkat noong mga panahong un ay ang pagkakaalam ko inutos ng ating dating Pangulong Marcos na aalis na lang sya kasama ang kanyang buong pamilya dahil ayaw nya na dumanak ng dugo dahil sa tutoo lang concern pa din sya sa kapakanan ng mga maraming kababayan natin.......


Pero noong panahon ng Aquino, anong nangyari???   dun sa Luisita Massacre at kung anu ano pa..... sana lang ung iba matuto silang maghalungkat ng mga katotohanan at sana lang wag natin ipagbili ang ating dignidad,ang pangalan natin  sa konting halaga..



Ikaw kabayan sasama ka pa rin ba bukas sa Edsa Revolution? or mananahimik ka na lang sa bahay na kung saan mas may importanteng bagay ka pa na puwedeng gawin...Nasa sa iyo yan
...

Naukit sa aking damdamin ang pagmamahal para sa aking bayan,at di kung sinuman sa mga pulitiko... At naniniwala ako na ang tanging Diyos lamang ang makakatulong sa atin at Sya din ang maglalagay kung sino ang mamumuno sa ating bayan.Marahil kaya din Nya pinahintulutan mangyari ang Edsa Revolution para ngayon makita at mamulat din sa tayo sa mga nakatakip na mga maskara noong nakaraang administrasyon na ngayon ay unti unti nakikita at naglalabasan ang mga tinatago nilang mga baho at nakakalungkot din kasi ngayon ko lang din nalaman na madami palang mga bayaran na media at mga reporter,di lang naman mga yan halos san meron talaga...... nakakalungkot lang talaga...


Kaya para sa akin walang saysay at walang ang edsa revolution sa aking sariling pananaw..Mas gugustuhin ko pang manood na lang or kaya naman ay magsulat dito sa aking blog......



Huwebes, Pebrero 23, 2017

Bakit mabilis lumamig ang Instant Noodless?.....




Hindi ko alam kung bakit...........naitanong ko sa aking sarili ito na kung bakit nga ba mabilis lumamig ang instant noodles,kung ganun sya kabilis gawin ay ganun din kabilis lumamig ang noodles,..instant nga eh,kaya nga tinawag syang instant... mabilis at madaling gawin...Ikaw,sa tingin mo ano ang dahilan kung bakit mabilis lumamig ang instant noodles?......




At di ko alam kung may katuturan ba itong pinagsusulat ko sa araw na ito,basta naisip ko lang isulat at itanong din kung bakit nga ba ang bilis lumamig ng instant noodles..

Sabagay,di naman talaga masarap kumain ng malamig na noodles di ba,lalo na't malamig ang panahon,masarap higupin ang mainit na sabaw nito kahit na ito ay instant lamang..Pero alam nyo bang di healthy ang kumain ng instant noodles,at di rin  maganda sa ating katawan.,pero minsan gusto pa din nating kumain kahit na alam mong di maganda sa ating kalusugan,..

Sasabihin mo,  minsan lang naman ito,pero ung minsan na yan,eh di mo namamalayan na-aaddict ka na pala,at nahihirapan ka ng bumitaw at umiwas kasi nasasarapan ka na,hinahanap-hanap mo na kung minsan at madali lang kasi gawin pati,..Hugot! pati ba naman sa instant noodles may hugot pa din...hehehehe...


Hindi ko naman alam din kung bakit din mabilis lumamig ang instant noodles,siguro ay baka lang mabagal akong kumain kasi ayaw kong mapaso ang aking dila...o kaya naman kaya dahil instant noodles siya, dapat instant din ang paglamon nito, mabilisan kung baga na parang may humahabol sa iyo na kailangan mong magmadali na wari mo'y at pakiramdam mo nasa karerahan ka ng mga kabayo,..At kailangan ay instant ang pag-kain mo.


.....Sabagay lahat naman ngayon at lalo na sa panahon natin, dahil napaka moderno na ang lahat ng bagay halos lahat ay instant...At sigurado ako ung pagbabago lang ang hindi instant...

Miyerkules, Pebrero 22, 2017

"Korni ka ba?..."





Kami "Korni"..ang mahilig lang magsabi ng korni eh... ung  mga taong pa-DEEP...


Nakarinig na ba kayo ng mga birong nakakatawa pero di naman talaga nakakatawa at sasabihin mong "ang korni mo naman" or kaya naman ay "ang bakya mo....." at kung anu ano pang sasabihin nating pintas dun sa mga birong di nakakatawa.. Pero alam nyo bang kadalasan ang nagsasabi ng ganun ay ang mga taong pa-DEEP na kunware pero di naman pala.,O kaya naman ung mga taong pa EMO ang dating nun,..


Sabi nga         "kung gusto mong matawa..dapat paminsan minsan magpakababaw ka naman kasi baka masyado ka nang seryoso ang buhay mo at nakalimutan mo ng tumawa."



"Hindi lahat ng inaakala mong Korni ay korni..minsan ay sadyang baka wala ka lang sense of  humor"


Sa tutoo lang mahilig din ako sa mga korni,at sa mga mababaw na biro lang kasi mas maige na ung mababaw lang kaysa malalim na kung minsan ay di mo na maintindihan at sa sobrang lalim ay di ka matatawa....Kaya sabi nga maigsi lang ang buhay dapat mabuhay ng tama lang.



Lunes, Pebrero 20, 2017

Di ko Inaasahan...............



Di ko lang inaasahan at di ko sukat akalain na kahit papaano'y may mga nagbabasa ng aking blog kahit na ito ay kadalasan Tagalog ang ginagamit ko.Di ko na sana nais magpatuloy sapagkat maraming mga bagay akong pinagkakaabalahan itong mga huling araw,.At minsan wala kasi akong maisip na isulat,ang hirap kayang mag isip!lalo na kapag minsan medyo nawiwindang ka pa,grabe minsan di mo inaasahan nauuntog ka pa,tulad nung nangyari sa akin nung isang araw,grabe!ang sakit kasi nauntog talaga ako at nagkarun pa ng bukol..Yes,bukol..as in bukol talaga at ilang araw ko ininda ung sakit na un kaya sabi ko sa sarili ko,mag dodobleng ingat na ako,,,,

Kaya naman eto ako ulit at medyo magaling galing na din,imaagine simpleng untog lang un,ilang araw din ako pinahirapan.hehehe...Kaya eto nagbabasa ulit ako at kailangan kong gawin kasi para madagdagan ang aking mga kaalaman lalo na sa larangan ng pagsusulat,.Naks!whew..di nga!

Di katulad dati na isa lang akong tambay sa kanto at walang ginagawa kundi magmasid sa kapaligiran at pinag aaralan ko ang bawat kilos at galaw ng mga taong naglalakad,nag uusap at kung anu ano pang mga bagay na nakikita ko sa paligid .Ang pangunahing dahilan ko naman kaya ako nag blog ay upang ibahagi ang aking buhay sa abot ng aking makakaya,at minsan ay nagsesermon din ako dito sa aking blog ng mga Word of God kasi un naman din talaga ang isa sa mga pinakaimportanteng dahilan din kaya ako nag blog para mag spread din ng Mabuting Balita at di lang ng aking buhay at mga opinyon.Kaya lang kasi minsan nais ko nang huminto minsan....Pero sa dahilan nga na napagtanto ko na may mga sumusubaybay sa aking munting blog..Wow! at ang nakakatuwa pa nyan may mga tiga ibang bansa pa,.Oh,di ba pang international ang beauty ng lola nyo,
Minsan natanong ko sa aking sarili na bakit nga ba di ako nag blog dati noong nasa Dubai pa ako,sabagay di pa naman huli ang lahat,Anyway,sa mga susunod na isusulat ko dito ay aking ibabahagi sa inyong lahat ang mga naging karanasan ko noong ako'y OFW pa,okay po ba?abangan nyo yan ha!,Pangako ko sa inyo!

Meron na akong dahilan para magpatuloy sa pagsusulat dahil may mga sumusuporta pala sa aking blog.Praise God!..at sana dumami pa ung mga followers at maglike.heheheh

Kaya di na ako tambay,at may ibubuga din pala ako sa pagsusulat hehehe.. at bihira na akong maglakbay sa likod bahay.May mga kuwento pala akong ibabahagi sa inyo at sa mga nais magbasa.

Nagpapasalamat ako sa inyong lahat,na nagbabasa at sumusuporta ng aking blog at sana ay di kayo magsawa kahit marami sa kanila ay nagrereklamo na nakakabitin daw ako magkuwento at minsan naman naguguluhan din sila.Maraming salamat din sa pagbibigay ng opinyon at komento.Mabuti man o masama.napakalaking bagay un sa akin dahil dun ko nalalaman na kung ano pa ung mga dapat kong paunlarin sa akin bilang manunulat.

Upang mas lalong epektibo at makabuluhan ang mga susunod kong isusulat...

Hanggang sa muli...I love you po!

Biyernes, Pebrero 17, 2017

Somehow...



Somehow,....I can't stop thinking about touching you,.. 
Somehow,...I can't stop thinking about you..
It consumes my mind,it's driving me crazy!


I see your smile,when i close my eyes
Your smell lingers on me
    Sometimes..
It just makes things worse


You bring me to life in a way
That I've never felt before...
I feel more connected to another person
  for the first time in my life...

Miyerkules, Pebrero 15, 2017

Hi,Ako nga pala si Neera...


Dahil sa wala akong maisip at masulat dito sa Blog ko,Naisip ko naman ay ipakilala ko ung sarili ko sa inyo na parang sa School lang.hehehe


Maraming blog na ang aking nababasa karamihan ay English ang salita,.at naisip ko naman ay Tagalog ang gamitin kong Blog kasi mas gamay ko ang Tagalog kaysa sa English pero minsan or madalas ay ginagawa kong Taglish kasi may mga salita na minsan ay mas masarap sabihin sa wikang English gayundin naman sa wikang Tagalog,..Oh,di ba??


Kaya dyarannnn... Here I'am,...your servant and hopefully ma enjoy nyo ung pagbabasa ng aking simpleng blog at kahit papaano ay mapasaya ko kayo kahit sa simpleng bagay lamang..


Ako nga pala si Neera Light/Missionary/HRM Undergraduate sa Lyceum of the Philippines pero nakagraduate naman ako ng Theology noong 2016,at sa aking palagay ay eto ang calling ko kasi dati di ko alam kung bakit ako nabubuhay sa mundong ito,ngayon ay alam ko na kung bakit.../frustrated singer ako as in frustrated talaga kasi sa tuwing kumakanta ako ay napapatayo silang lahat at napapasigaw ng "Please,parang awa mo naman itigil mo na yan" hehhehehe.../mahilig akong mag Model kasi pangarap ko talaga un dati/Drama Queen,paminsan-minsan/Mahilig akong magbasa at mag research ng mga bagay bagay lalo na kapag curious ako sa isang bagay/pangarap kong lumipad at lumangoy na parang sirena/Mahilig akong magsulat kasi pangarap ko din maging Writer at higit sa lahat isa akong romantikong tao,...di nga lang halata...


Hindi ako artista,baka mapagkamalan nyo akong artista eh,,hehehe...isa akong simpleng tao na mahilig kumanta at sumayaw,negosyante na din na maituturing,mahilig din ako sa politics kasi dati ung Blog ko is about sa politics kaso di ko kinaya ung mga bashers na yan ansakit sakit magsalita kala mo kilala ka nila,ung buong pagkatao mo kaya ang ending sabi ko ibahin ko na lang ung Blog ko,Magfocus ako sa mga imahinasyon na laging naglalaro sa aking isipan,At isa lang akong taong mahilig magkuwento ng aking buhay at magtanong ng mga bagay-bagay.At sana magustuhan nyong lahat ung mga susunod kong isusulat sa aking Blog at sana ay suportahan nyo ako...

Martes, Pebrero 14, 2017

Bakit nga ba nakabarong ang Pulitiko?


Bakit nga ba nakabarong ang pulitiko?....curious ka din ba kung bakit kailangan lagi silang nakabarong?lalo na kapag Public Servant ka...Well...,tignan muna natin kung ano ba ang ibig sabihin ng Barong...

Ang Barong Tagalog ay isang binurdahang pantaas na baro at kinikilalang pambansang kasuotang panlalake sa Pilipinas.Ang kasuotang ito ay may apat na siglo na ring ginagamit sa bansa at patuloy na pinapaganda upang masabayan ang pagbabago ng lipunan at magugulat ka din kasi maging ang mga kababaihan ngayon ay nagsusuot na din ng Barong,tunay talagang moderno na ang panahon.

Kapag ikaw ay naglalakad sa mundo ng pulitiko or isa kang public servant ay kinakailangan mong nakabarong lalo't na may mga mahahalagang okasyon....

Pero ang tanong ko nga kanina,bakit nga ba nakabarong ang pulitiko?..puwede naman ung ibang damit di ba?..isip-isip...sige lang ating pag isipan ang sagot sa tanong na yan...
May mga ilan akong na interview tungkol sa bagay na yan,at ilan sa kanila iba iba ang sagot at meron din namang pareho ang sagot...

"ummm,kaya lagi nakabarong ang pulitiko kasi para disente at magandang tignan"
"puwede kasi na dahil pulitiko sila heheheh..." tama nga naman kasi nga pulitiko sila...
"o kaya naman para makita nila ang itsura nila kapag nakaburol sila,hehehe..."
at ilan lang yan sa mga sagot sa mga taong nakausap ko,di nyo naitatanong mahilig kasi akong makipagkuwentuhan lalo na kapag nasa mood ako,..hehehe....

At para sa akin naman,sa sariling opinyon ko at sariling pananaw,..naks naman, ako ba ito?...
Bakit nga ba nakabarong ang pulitiko???

Una,ang barong ay isang pormal na kasuotang ginagamit ng mga Pilipino tuwing may mga okasyon at take note di lang po mga pulitiko ang may karapatang mag suot ng barong maging ang ordinardyong Pilipino ay puwedeng magsuot..

Pangalawa,kaya nagsusuot ng barong ang mga pulitiko sapagkat ito ay isang tuntunin na pinapatupad ng ating pamahalaan at namana natin yan sa mga kastila,.Ito ay naisakatuparan dahil sa noong panahon ng mga Kastila,nakikita ang kalagayan ng isang tao sa lipunan sa pamamagitan ng kanyang kasuotan.At maging hanggang ngayon ay ganyan din..

At sa kasakuluyan,ang barong ay ginagamit bilang pagpapahalaga sa sariling bayan at kultura.,kaya ito ang dahilan kung bakit nakabarong ang mga pulitiko at sana lang ay di lang sa barong makikita ang pagpapahalaga sa sariling bayan at kultura,maging dapat ito ay samahan ng sa isip,sa salita at sa gawa...

Biyernes, Pebrero 10, 2017

Tugon ng Damdamin

"Walang maituturing ang wika sa tanong ng Pag-ibig sa isang sulyap na kumikislap o palihim.Sa halip,sumasagot ang ngiti,ang halik o ang bugtong-hininga"-Dr.Jose P.Rizal (Noli Me Tangere)

Isa sa mga napakagandang quotes na nabasa ko sa Noli Me Tangere at talaga namang napakahiwaga ng Pag-ibig.,Bakit nga ba misteryoso ang pag-ibig?Di mo puwedeng diktahan,di mo maintindihan,di mo mapigil kahit na alam mo minsan ay di na puwede  ay nanatili pa din ung pag ibig na yan sa puso mo at sa isip, na kahit anong gawin mo ay di mo matanggal at mapigilan,di mo puwedeng turuan,na kahit alam mong masasaktan ka lang at magmumukhang tanga ay patuloy ka pa din umaasa at nagmamahal kahit na alam mong sa bandang huli ay ikaw pa din ang talunan,hay!kung puwede lang sabihin mo sa puso mo na "tama na,huminto ka na sa pagmamahal sa kanya kasi wala naman ding mangyayari",,,kaso di pa din puwedeng turuan at diktahan ang pag ibig..Basta ang tanging alam mo lang ay nararamdaman mo  lang na di inaasahan,ang alam mo lang ay napapaligaya ka kahit sandali lang ay okay na sa iyo..
Minsan dating tahimik lang ang buhay mo,pero may biglang dumating na isang tao na di mo inaasahan na bigla mo na lang naramdaman na kinikilig ka,napapangiti ka at lagi mong hinahanap hanap para kang baliw.Bakit ganun?Masaya ka naman sa buhay mo,kuntento at may masayang pamilya,nagmamahalan,nagbibigayan,may mga pangarap sa buhay pero sa isang saglit ay may isang tao na dumating sa buhay mo  na parang kidlat,na minahal mo agad!samantalang may minamahal ka namang iba at ganun din ang taong ito may minamahal ding iba.. para tuloy na feeling mo teen ager ka ulit..
Sabi nga:
"Walang maituturing ang wika sa tanong ng Pag-ibig sa isang sulyap na kumikislap o palihim.Sa halip,sumasagot ang ngiti,ang halik o ang bugtong-hininga"-Dr.Jose P.Rizal (Noli Me Tangere)
At di kayang maintindihan kung bakit...Ano ba talaga ang gagawin ng isang tao na kapag dumating sa kanya ang ganitong sitwasyon? Parang gusto ko tuloy na kumanta ng "Bakit ngayon ka lang dumating sa buhay ko?" or kaya naman ung kantang "Sana dalawa ang puso ko,,," kaso di naman puwede kasi isa lang ang puso natin at isa lang ang dapat mahalin. Sa tingin nyo,ano nga ba ang dapat gawin?

Huwebes, Pebrero 9, 2017

Magkabilang Mundo


  • "A thousand miles between you and me. So many months apart, and still I love you with all my heart."
  • "Kung tayo magkakalayo,magiging tapat pa din ako sa iyo dahil mahal na mahal kita"
  • "Learn to wait. There's always time for everything!😇😉
"Magkalayo man ang ating mundo, Pero ung puso mo at puso ko Ay mag kaisa!"

Ilan lang yan sa mga laging sinasabi ng mag sing irog at tunay na nagmamahalan lalo na kapag magkalayo.Nakakakilig pakinggan at sambitin subalit nakakalungkot kasi di mo kapiling ang iyong minamahal..
Long Distance Love affair ang tawag dito, mahirap pero kailangan kayanin lalo na kapag may mga dahilan kung bakit naglalayo ang nagmamahalan maaring dahil sa mga pangarap na kailangan tuparin at makaipon ng salapi para sa kinabukasan.At maraming tao ang nagsasabi na mahirap daw LONG DISTANCE Love Affair. Ikaw nararanasan mo na ba yung feeling o klase ng relasyon na ganyan?😟
Yung cellphone at internet lang yung tanging communication ninyo.Ang lungkot at napakahirap di ba?Kasi di mo sya mahahawakan,mahahalikan at makakasama,.. ðŸ˜ŸðŸ˜¢ðŸ˜ž araw-araw lagi kang nangungulila, bawat segundo at  minuto siya laman ng isip mo at walang araw na hindi mo siya iniisip!Minsan gusto mo ng sumuko pero kapag naisip mo kung gaano mo sya kamahal ay bumabalik ulit sa ulirat at sa tamang katinuan,Ung tiwala lang ang panghahawakan mo at tatag ng loob na kahit magkalayo kayo ay mananatili kayong tapat sa isat-isa.
...KAYA KUNG MALAYO sa isat isa,. huwag sumuko..Hawak kamay nyong haharapin ang mga pagsubok sa buhay kahit na magkalayo at kahit magkabilang mundo pa,Basta tunay at wagas ang pagmamahal ay walang makakahadlang kahit na magkabilang mundo pa!
HUWAG KAYONG BIBITIW,.. ðŸ’‘ KAKAYANIN LAHAT, MASAKTAN AT MAHIRAPAN MAN.,IPAGLALABAN  PA RIN ang PAGMAMAHALAN.At kahit mahirap kailangan kayanin para sa minamahal.Sabayan palagi ng panalangin.

Miyerkules, Pebrero 8, 2017

Ang Pag-ibig...

Ang pag-ibig ay tunay na mahiwaga ang ibig sabihin nito at kung minsan di mo talaga maarok ang ibig sabihin nito,, ang Pag -ibig ay maihahantulad din sa paginom ng kape yan,Tuwing umaga lagi akong umiinom ng kape at nakasanayan ko na yan gawin,kapag di ako nakakainom ng kape ay di kumpleto ang aking araw. Ang lasa ng kape ay iba iba may matamis, may mapait,may matapang kung baga parang barako,may napakatamis naman,napakatabang at merong din namang tama lang ang  timpla. Pero sabi nga sa bible:

"Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi maiinggitin, hindi mayabang ni mapagmataas man, hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim sa kapwa. Hindi niya ikinatutuwa ang gawaing masama, ngunit ikinagagalak ang katotohanan. Ang pag-ibig ay mapagpatawad, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at mapagtiis hanggang wakas. Matatapos ang kakayahang magpahayag ng salita ng Diyos, titigil rin ang kakayahang magsalita sa iba't ibang mga wika, mawawala ang kaalaman, ngunit ang pag-ibig ay walang hanggan."1 Corinto 13:4-8  
At dagdag pa natin na madalas na sinasabi ng mga matatanda at nakaranas ng ng tunay na Pag-ibig..,  dapat matiyaga at marunong kang maghintay sa tamang panahon dahil kapag pabigla bigla ka na para kang nagmamadali ay madadapa ka lang at masasaktan..at kung minsan kapag nasaktan ka ng sobra ay di ka umuulit na magmahal or kaya naman ay naghihiganti ka na lang para maranasan din nila ung naranasan mong sakit at pait sa pag-ibig.
 Ang kailangan lang naman dapat alam mo kung anong ginagawa mo,at alam mo na minamahal ka din ng taong minamahal mo,. matuto kang magkontrol ng nararamdaman at higit sa lahat ay magdasal ka sa Panginoon para sa gabay at patnubay. Ang dapat mong gawin  lang ay  marunong kang dumiskarte at maniwala ka man o hindi sa pag-inom ng kape dapat ginagamit mo ang isip mo kasi kung hindi ka mag-iingat malamang masasaktan ka.At wag mong kalilimutan na ang kaligayahan na binibigay ng tunay ng pag ibig ay di kayang bayaran ng anumang salapi, i enjoy mo lang yan hanggat masaya ka at handa ka din kung anuman ang mangyayari.

Martes, Pebrero 7, 2017

PAG-USAD.......................

Napabalikwas ako ng bangon kaninang madaling araw at bahagya kong binaba ang kumot na tumatakip sa aking katawan kasabay ng pagtanggal ng unan nasa aking hita,at saka ko hinagilap ang aking cellphone at napa wow ako sa oras na aking nakita sapagkat alas tres pa lang ng madaling araw,eto ako naglalakbay na agad ang aking diwa at nag muni muni na agad sa aking nakaraan,di ko malaman kung bakt un agad ang pumasok sa isip ko,Pero sabi ko nga,teka magpray muna ako bago ang lahat kasi isang pagpapala sa buhay naatin ang magising na naman tayo dahil sa biyaya ng Diyos.Thank you Lord for another day!
At pungas pungas na akong bumangon at tuluyan nang nagising ang aking diwa.at hinayaan ko na syang maglakbay sa aking isip kasabay ng papunta sa puso ko,..at habang nagkakape at napapaisip ako bakit ba ganito kasi biglang naiba ang aking buhay,.. na dati pag gumugising ako nasa tabi ko ang aking mahal na asawa na naghihilik pa talaga, hehehehe..kahit ganyan sya,mahal na mahal ko un at di ko nga alam kung bakit sobrang mahal ko un,..
Naisip ko ung PAG-USAD, ng mga oras,panahon at ung galaw ng buhay,..nakakarelate ba kayo sa mga nasasabi ko or wala lang basta may may masabi lang at maisulat dito sa blog ko...
Seriously, ung pag usad, ung salita na yan.,,,nakita ko ang bagay na yan kasi araw araw umuusad ang ating buhay,ung mga ginagawa natin,pare pareho lang at minsan meron lang may naiiba,parang gusto ko tuloy kumanta ng alin alin ang naiiba, sabihin sa akin kung alin ang naiiba...!!
Pag usad sa buhay ano nga ba ang ibig sabihin nyan,.????   hmmmmm,,,tuloy pa din ang ikot ng ating buhay kahit na may mga pagkakamali tayong nagagawa tuloy tuloy pa din ang agos ng buhay,kahit na may nababago, uusad at uusad ang gulong ng ating buhay,..like kahapon napabalita sa lahat at trending pa talaga na may 400 na pulis ang pinatawag at pinapunta sa Malacanang para sermunan at sabunin ng ating Pangulong Duterte,imagine kitang kita ka dun at nakabalandera ang mukha mo kasi naka televise un,habang sinasabon kayo kasi mga pasaway na pulis ung pinatawag kahapon.. nakakahiya di ba? at mga mga babae pang nakita din... pero kahit na ganun ang nangyari sa kanila kahapon kailangan pa din nilang mabuhay at umusad kahit na nalagay sa kahihiyan ang mukha,dangal at pangalan mo,kailangan mong magpatuloy...kasi kapag huminto ka,talo ka naman..
Kaya nga napaisip na katulad kanina na habang nagkakape ako, at nag tatanong na kailangan kong umusad sa aking buhay,kailangan kong magpatuloy na lumaban sa hamon ng buhay at kailangan kong maging matatag sa biyaya ng Diyos sapagkat naisip ko na sa bawat pag luha ko, ako lang ang tanging malulungkot at kaulayaw ng aking diwa,So fighting talaga!Pag usad at pagpapatuloy ng ating buhay kahit na ano pa ang nangyayari sa ating buhay...

"A picture is worth a thousand words"

"A picture is worth a thousand words"

Hi,it's been a long time bago ako nakapag post ng blog ko, medyo busy lang ang lola nyo.. madami kasing mga kaganapan sa buhay,. At madami din kasing iniisip kahit wala namang maisip basta may maisip lang hehehe...
Like ung may oras na gusto ko na lang huminto or bakit ganito ung buhay ko, parang ewan na di ko maintindihan basta ang alam ko lang nabubuhay ako,at eto nga isang araw nag muni muni ako sa bandang tulay, naks!may moment pang ganun talaga,..then nag picture ako at sabi ko nga ipost ko un sa blog ko kasi ang ganda ng kuha,ung nakatalikod ako at hinahangin ng hangin ung buhok ko,hmmmm....parang moment talaga ng buhay ko ung parang nasa kawalan ka lang..paminsan-minsan lang naman sumasablay ako kasi alam ko naman kung bakit ako nabubuhay sa mundong ito,..may purpose ang Lord sa akin kaya ako nandito.
haissst.... eto nga bakit nga ba sabi ung "A picture is worth a thousand words",eh tutoo naman talaga kasi ano ba ang nasa likod ng picture na iyon?Ang nakikita lang ng tao ung magandang picture pero ung nasa loob naman nun ay kalungkutan,kasiyahan,kinakabahan at marami pang ibang emosyon na nararamdaman mo, Pero alam nyo ba na bisyo ko talaga ang magpapicture kahit saan ata akong magpunta gusto ko may picture,minsan na aanoy na nga sa akin ung kasama ko,
Pero un nga kahit na ganun,tuloy pa din ako sa pagpicture kasi minsan lang naman un at paglipas ng mga panahon,babalikan mo ung mga larawan na un at mapapangiti ka kasi alam mong sa bawat larawan na un palaging may story na nabuo dun kaya nga "A picture is worth a thousand words."..Kayo ano naman ang kuwento nyo tungkol sa mga picture nyo? Maaring parehas tayo or magkaiba nang story.gayunpaman masarap pa din mag collection ng mga larawan.