Ano ang mga sumasagi sa isip mo tuwing sumasapit ang Feb 25? Ano ang mga naalaala mo dyan? Yun bang para sa iyo ay naging history nga ba ito? Nakatulong ba sa bansa natin ung tinatawag na Edsa People Power Revolution? Noong Feb 25,1986???....
Nangyari ito noong dekada '86 noong panahon ng Marcos Administration at kung saan ay ito ung panahon na pinatalsik sya ng mga taong bayan,( sa aking palagay, ay mga na brainwash lang ang mga ito, sapagkat sa tutoo lang di naman nila alam kung ano ba talaga pinaglalaban nila noong mga panahong un..) at nag sama sama ang lahat dahil marami ang naniniwala na tama na daw! sobra na daw! at kung di ako nagkakamali ay 20 years nanunungkulan bilang Pangulo si Dating Pangulong Ferdinand Marcos na ngayon ay nakahimlay na sa Libingan ng mga Bayani,...Napanood ko ito sa TV habang sinasagawa ung People Power at sa tutoo lang di ko pa naiintindihan kung ano ang pinaglalaban ng mga tao na un, basta ang alam ko lang ay gusto na nilang palitan ang namumuno sa bansa natin noon,at nakakapagtaka din kasi ang alam ko kapag napaalis ang President,ang papalit dito dapat ay ang Vice President pero pumalit noon ay isang biyudang Aquino at first time in history na nagkarun ng babaeng pres....
Pero pagkatapos nun,ano na nangyari sa bansa natin? napaunlad ba?umangat ba tayo?or dumami lang ang mga magnanakaw sa bayan at walang interes kundi ung mga sarili lang nila...
Opppssss...bago muna ang gusto ko muna sabihin sa inyo na di naman ako against sa kahit kaninong politiko...Makabayan ako at ang concern ko ung ating Inang Bayan at wala ng iba,, lagi ko nga pinagdadasal na sana dumating ang panahon na maging maayos ang bansa natin na katulad ng sa Korea or sa mauunlad na bansa na naunhanan na tayo sa pag unlad like Japan... Ansarap sana mag aral ng World History pero mahabang usapin ito at heheheh ,,,,malawakang pag reresearch ang gagawin natin dito....
Balik tayo sa topic natin about sa People Power na sinasabi nila.. Bukas ay icecelebrate at kanilang gugunitain ang mga nakalipas,.. sila lang un at utang na loob ayaw ko makisama dyan kasi para sa akin wala naman akong nakitang pagbabago simula nung nangyari yang Edsa Revolution na yan at lalo lang nagkahirap hirap ang bansa natin sa tutoo lang,...
Hanggang sa ngayon, inaalala pa rin ang mapayapang rebolusyon na napangyari sa EDSA highway noong Pebrero 25, 1986 na kilala sa katawagang EDSA People Power Revolution. Dahil sa pangyayaring ito, naging tampok ang ating bansa sa ipinakitang matinding pagkakaisa na nag-udyok sa mapayapang rebolusyon na kung saan ay walang dumanak na dugo,sapagkat noong mga panahong un ay ang pagkakaalam ko inutos ng ating dating Pangulong Marcos na aalis na lang sya kasama ang kanyang buong pamilya dahil ayaw nya na dumanak ng dugo dahil sa tutoo lang concern pa din sya sa kapakanan ng mga maraming kababayan natin.......
Pero noong panahon ng Aquino, anong nangyari??? dun sa Luisita Massacre at kung anu ano pa..... sana lang ung iba matuto silang maghalungkat ng mga katotohanan at sana lang wag natin ipagbili ang ating dignidad,ang pangalan natin sa konting halaga..
Ikaw kabayan sasama ka pa rin ba bukas sa Edsa Revolution? or mananahimik ka na lang sa bahay na kung saan mas may importanteng bagay ka pa na puwedeng gawin...Nasa sa iyo yan
...
Naukit sa aking damdamin ang pagmamahal para sa aking bayan,at di kung sinuman sa mga pulitiko... At naniniwala ako na ang tanging Diyos lamang ang makakatulong sa atin at Sya din ang maglalagay kung sino ang mamumuno sa ating bayan.Marahil kaya din Nya pinahintulutan mangyari ang Edsa Revolution para ngayon makita at mamulat din sa tayo sa mga nakatakip na mga maskara noong nakaraang administrasyon na ngayon ay unti unti nakikita at naglalabasan ang mga tinatago nilang mga baho at nakakalungkot din kasi ngayon ko lang din nalaman na madami palang mga bayaran na media at mga reporter,di lang naman mga yan halos san meron talaga...... nakakalungkot lang talaga...
Kaya para sa akin walang saysay at walang ang edsa revolution sa aking sariling pananaw..Mas gugustuhin ko pang manood na lang or kaya naman ay magsulat dito sa aking blog......