Miyerkules, Mayo 17, 2017

Misteryosong napapaisip...




-Iniluwa ng mga sanga at dahon ng bakawan si Lumen. Ngumingiti si Lumen. Parang humahalakhak ang bakawan. Iniabot ni Mong ang kamay nya. Iniabot ni Lumen ang kamay. Hawak-kamay at patakbo nilang iniwan ang alaala ng pilyong eksena. Umaasa silang sa pagdako doon ng mga ibong bakaw, kasamang ililipad ng mga ito papalayo ang napunit na sa retaso ng kamusmusan.

Tatlong Araw, Tatlong Gabi
(Unang nobelang horror, daw)

“Mas mabuting mamatay sa paghahabol ng gusto mo, kesa mamatay sa kakaiwas sa ayaw mo.”




Grabeng hugot at damang dama mo talaga ang salita at letrang nababasa mo,..Tatlong taon na mula nung mabasa ko ang aklat na ‘to at hanggang ngayon nakatatak pa rin sa isip ko ang istorya at binabagabag pa rin ako at nalilito kung ano ba talaga ang nangyari at gustong sabihin ng sumulat. Nakakaloka,nakakabaliw,nakakakiliti... hahaha. Hindi ito kuwentong pambata, taliwas sa gusto kong gawing blog pero nabanggit ko na magpopost ako ng mga libro na maaaring makatulong sa pagsusulat ng aking blog at isa ang librong ito.

 Masasabi kong malaki ang naging impluwensiya sa akin nitong libro dahil marami akong bagong nalaman at naliwanagan ako sa maraming bagay.Pero pinulot ko lang ung mga bagay na maganda at iniwan ko ung mga bagay na alam kong di makakabuti,.. Mahilig ako sa mga kuwentong mapapaisip talaga ako at may halong adventure o misteryo kaya naman nagustuhan ko ang aklat na ito.Gusto ko din ung kuwentong nakakatakot,di ako masyadong mahilig magbasa ng mga romance,ung tipong nakakainlove, hehehe pero sa tutoong buhay ay mahilig ako sa romance,tipong pinapadama at di lang sinasabi.,ginagawa ko at pinapadama ko, ayieeeeeeeeeeeee...

Tulad ng sabi ko kanina sa aking blog post ukol din sa aklat na ito ay may halong misteryo, konting romansa at puno ng kababalaghan na siguradong kikiliti sa iyong isipan at di mo maibaba ang libro kapag naumpisahan mo na. Kaya try mo nang basahin din at dalangin ko din na sana makagawa din ako ng libro gaya ng ganyan din,...