Kahapon ay nahiligan ko manood ng Narnia:Voyage of Dawn Treader,at napakaganda pala nito...
May isang napakagandang analogy ng grasya at transforming power ng Panginoon na ipinakita sa librong Chronicles of Narnia: Voyage of Dawn Treader ni C.S. Lewis.
May isang pasaway na kabataan, si Eustace, na nahumaling sa sobrang karangyaan at luho, ang naging dragon. Lumayo siya sa karamihan at patuloy na lumuluha ng apoy sa sobrang kalungkutan. Hirap na hirap siya dahil iyong gold bracelet na inilagay niya sa kaniyang braso ay nakakapit nang husto sa lumaki niyang katawan.
Ang matinding eksena: sa kaniyang pag-iisa, dumating si Aslan para tulungan siyang maging tao muli. Dinala siya ni Aslan sa isang hardin sa taas ng isang bundok. Doon nakita ni Eustace ang isang tubigan kung saan humiling siya na maglublob para mabawasan man lang ang kaniyang kasakitan.
Sinabi ni Aslan na kailangang maghubad muna siya bago lumublob sa tubig. Alam ni Eustace na dahil wala naman siyang damit ay ang kaniyang makakapal na kaliskis ang tinutukoy ni Aslan. Kinaskas niya ang kaniyang balat subalit hindi maubos-ubos ang kaniyang kaliskis.
Doon nagsabi si Aslan: "Hayaan mo nang ako ang maghubad ng mga balat mo." Bagaman natatakot, pumayag si Eustace na balatan siya ni Aslan. Nagtagumpay si Aslan. Natanggal ang lahat ng kaniyang kaliskis kahit masakit at dinamitan siya ni Aslan matapos siyang maging tao muli.
Dakilang aral: Hindi natin kayang baguhin ang ating sarili. Si Lord lang ang kayang sumira ng sumpa sa ating buhay, damitan tayo ng kabanalan upang makapagbagong-buhay.Kaya palagi tayo dapat magtiwala sa Panginoon..