KAILAN BA ANG PERFECT TIMING PARA SABIHIN NA NASASAKTAN KA NA?
Naglilinis ako kanina at ang dami kong nahalukay na journals ko. Nakuha ko pa yung isang journal na puro sama ng loob at disappointment sa buhay na dati di pa ako malalim sa Panginoon,(Salamat sa Diyos,kasi ngayon malaki ung pagbabago na ginawa Nya sa buhay ko,na hanggang ngayon ay patuloy na binabago pa din ako ng Lord,)...haha! Sakit talaga sa ulo kapag malayo ka sa Panginoon dati, haaaaaay!.. Pero natatawa na lang ako kapag nababasa ko kase ang drama ng mga pinagsusulat ko rin.
Kapag nasasaktan kase ako, tumatahimik lang ako. Hindi ko ma-express agad agad yung gusto kong sabihin.At madalas ay nana misunderstood pa ako,. Ang hirap kasing i-edit agad sa utak tapos nasasaktan ka pa. Maganda kase na perfect yung sasabihin mo sa kanya at kalmado ka.At di kaya minsan di lang ako marunong makaintindi,.. Mahirap magsabi ng nararamdaman kapag nasasaktan ka, kase baka masaktan mo rin siya.Kaso nakakasakit din ako at sa isang banda ng isang isip ko ayaw kong makasakit talaga at nais ko lang manahimik lamang kaso itong bibig ko,may gustong sabihin, Minsan di ko na nga maintindihan ung sarili ko.
May mga bagay bagay kase minsan na nagagawa o nasasabi natin kapag galit tayo. At pagkatapos mo nang sabihin ang nasa saloobin mo, magsisisi ka pagkatapos kase may mga bagay na nasabi mo na hindi mo na sana sinabi, mas lalo tuloy magkakalamat ang relationship nyo.
Kaya ako kapag nasasaktan, tumatahimik lang ako at nagsusulat. Doon ko lahat binubuhos ang gusto kong sabihin sa lahat ng tao. Hindi mo kailangang i-edit yung sasabihin mo, hindi kailangang galingan ang mga words, walang judgment, malaya ka kung ano ang gusto mong sabihin.
Mas pinipili ko kase na magspread ng good vibes at love lang lagi. Gusto ko masaya lang lagi sa paligid ko. Kapag malungkot ako, nagkukulong ako sa room ko at nagsusulat lang ng mga saloobin ko. Ayaw ko naman na iparamdam sa mga taong hindi involved yung sama ng loob ko. Mabigat kase yun saka unfair naman sa kanila. Ayun ang mga taong dapat din iwasan, yung hinihila ka nila sa magulo nilang mundo para pare pareho kayong bitter at madrama sa buhay.
Huwag kang maniwala kapag sinasabi ko na walang problema, na ok lang ako. Dahil sa totoo lang, nagdurugo na ang aking puso. Huwag kang maniwala sa mga ngiti na binibigay ko, dahil sa totoo lang gusto ko nang umiyak at tumakbo. Akala mo walang problema, pero sa totoo lang parang namamatay na ako.
Pero ngayon ay di na,..Masarap pala ang mabuhay lalo na kapag nasa iyo si Kristo.. kasi simula nung tinanggap ko ang Panginoong Hesus sa buhay ko,ay dun ko nakita ko ung peace na hinahanap ko,pati ung faith na binigay ng Lord sa akin,na alam ko madaming Promise ang Lord sa akin kaya confident ako,at may assurance ako na di pababayaan ng Lord.
Ang pagsusulat ko ngayong ay isang libangan na lang din at dito kasi na express mo ung mga nais mong sabihin at mangyari sa buhay mo, at saka isa pa sabi nila din kapag nalulungkot daw tayo,magsulat lang tayo,at isulat natin ung mga nais nating sabihin.
Kaya kapag nasasaktan ka, isulat mo lang sa papel at kasabay ng panalangin din.
Walang di maayos kapag pinagdasal mo at nanalig ka.Ganyan na ngayon ang ginagawa ko, lalo na kapag nasasaktan ako,iniiyak ko sa Lord at humihinge ako ng comfort mula sa Kanya...
God bless everyone...