Huwebes, Pebrero 23, 2017
Bakit mabilis lumamig ang Instant Noodless?.....
Hindi ko alam kung bakit...........naitanong ko sa aking sarili ito na kung bakit nga ba mabilis lumamig ang instant noodles,kung ganun sya kabilis gawin ay ganun din kabilis lumamig ang noodles,..instant nga eh,kaya nga tinawag syang instant... mabilis at madaling gawin...Ikaw,sa tingin mo ano ang dahilan kung bakit mabilis lumamig ang instant noodles?......
At di ko alam kung may katuturan ba itong pinagsusulat ko sa araw na ito,basta naisip ko lang isulat at itanong din kung bakit nga ba ang bilis lumamig ng instant noodles..
Sabagay,di naman talaga masarap kumain ng malamig na noodles di ba,lalo na't malamig ang panahon,masarap higupin ang mainit na sabaw nito kahit na ito ay instant lamang..Pero alam nyo bang di healthy ang kumain ng instant noodles,at di rin maganda sa ating katawan.,pero minsan gusto pa din nating kumain kahit na alam mong di maganda sa ating kalusugan,..
Sasabihin mo, minsan lang naman ito,pero ung minsan na yan,eh di mo namamalayan na-aaddict ka na pala,at nahihirapan ka ng bumitaw at umiwas kasi nasasarapan ka na,hinahanap-hanap mo na kung minsan at madali lang kasi gawin pati,..Hugot! pati ba naman sa instant noodles may hugot pa din...hehehehe...
Hindi ko naman alam din kung bakit din mabilis lumamig ang instant noodles,siguro ay baka lang mabagal akong kumain kasi ayaw kong mapaso ang aking dila...o kaya naman kaya dahil instant noodles siya, dapat instant din ang paglamon nito, mabilisan kung baga na parang may humahabol sa iyo na kailangan mong magmadali na wari mo'y at pakiramdam mo nasa karerahan ka ng mga kabayo,..At kailangan ay instant ang pag-kain mo.
.....Sabagay lahat naman ngayon at lalo na sa panahon natin, dahil napaka moderno na ang lahat ng bagay halos lahat ay instant...At sigurado ako ung pagbabago lang ang hindi instant...
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)