Lunes, Pebrero 20, 2017
Di ko Inaasahan...............
Di ko lang inaasahan at di ko sukat akalain na kahit papaano'y may mga nagbabasa ng aking blog kahit na ito ay kadalasan Tagalog ang ginagamit ko.Di ko na sana nais magpatuloy sapagkat maraming mga bagay akong pinagkakaabalahan itong mga huling araw,.At minsan wala kasi akong maisip na isulat,ang hirap kayang mag isip!lalo na kapag minsan medyo nawiwindang ka pa,grabe minsan di mo inaasahan nauuntog ka pa,tulad nung nangyari sa akin nung isang araw,grabe!ang sakit kasi nauntog talaga ako at nagkarun pa ng bukol..Yes,bukol..as in bukol talaga at ilang araw ko ininda ung sakit na un kaya sabi ko sa sarili ko,mag dodobleng ingat na ako,,,,
Kaya naman eto ako ulit at medyo magaling galing na din,imaagine simpleng untog lang un,ilang araw din ako pinahirapan.hehehe...Kaya eto nagbabasa ulit ako at kailangan kong gawin kasi para madagdagan ang aking mga kaalaman lalo na sa larangan ng pagsusulat,.Naks!whew..di nga!
Di katulad dati na isa lang akong tambay sa kanto at walang ginagawa kundi magmasid sa kapaligiran at pinag aaralan ko ang bawat kilos at galaw ng mga taong naglalakad,nag uusap at kung anu ano pang mga bagay na nakikita ko sa paligid .Ang pangunahing dahilan ko naman kaya ako nag blog ay upang ibahagi ang aking buhay sa abot ng aking makakaya,at minsan ay nagsesermon din ako dito sa aking blog ng mga Word of God kasi un naman din talaga ang isa sa mga pinakaimportanteng dahilan din kaya ako nag blog para mag spread din ng Mabuting Balita at di lang ng aking buhay at mga opinyon.Kaya lang kasi minsan nais ko nang huminto minsan....Pero sa dahilan nga na napagtanto ko na may mga sumusubaybay sa aking munting blog..Wow! at ang nakakatuwa pa nyan may mga tiga ibang bansa pa,.Oh,di ba pang international ang beauty ng lola nyo,
Minsan natanong ko sa aking sarili na bakit nga ba di ako nag blog dati noong nasa Dubai pa ako,sabagay di pa naman huli ang lahat,Anyway,sa mga susunod na isusulat ko dito ay aking ibabahagi sa inyong lahat ang mga naging karanasan ko noong ako'y OFW pa,okay po ba?abangan nyo yan ha!,Pangako ko sa inyo!
Meron na akong dahilan para magpatuloy sa pagsusulat dahil may mga sumusuporta pala sa aking blog.Praise God!..at sana dumami pa ung mga followers at maglike.heheheh
Kaya di na ako tambay,at may ibubuga din pala ako sa pagsusulat hehehe.. at bihira na akong maglakbay sa likod bahay.May mga kuwento pala akong ibabahagi sa inyo at sa mga nais magbasa.
Nagpapasalamat ako sa inyong lahat,na nagbabasa at sumusuporta ng aking blog at sana ay di kayo magsawa kahit marami sa kanila ay nagrereklamo na nakakabitin daw ako magkuwento at minsan naman naguguluhan din sila.Maraming salamat din sa pagbibigay ng opinyon at komento.Mabuti man o masama.napakalaking bagay un sa akin dahil dun ko nalalaman na kung ano pa ung mga dapat kong paunlarin sa akin bilang manunulat.
Upang mas lalong epektibo at makabuluhan ang mga susunod kong isusulat...
Hanggang sa muli...I love you po!
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento