"Walang maituturing ang wika sa tanong ng Pag-ibig sa isang sulyap na kumikislap o palihim.Sa halip,sumasagot ang ngiti,ang halik o ang bugtong-hininga"-Dr.Jose P.Rizal (Noli Me Tangere)
Isa sa mga napakagandang quotes na nabasa ko sa Noli Me Tangere at talaga namang napakahiwaga ng Pag-ibig.,Bakit nga ba misteryoso ang pag-ibig?Di mo puwedeng diktahan,di mo maintindihan,di mo mapigil kahit na alam mo minsan ay di na puwede ay nanatili pa din ung pag ibig na yan sa puso mo at sa isip, na kahit anong gawin mo ay di mo matanggal at mapigilan,di mo puwedeng turuan,na kahit alam mong masasaktan ka lang at magmumukhang tanga ay patuloy ka pa din umaasa at nagmamahal kahit na alam mong sa bandang huli ay ikaw pa din ang talunan,hay!kung puwede lang sabihin mo sa puso mo na "tama na,huminto ka na sa pagmamahal sa kanya kasi wala naman ding mangyayari",,,kaso di pa din puwedeng turuan at diktahan ang pag ibig..Basta ang tanging alam mo lang ay nararamdaman mo lang na di inaasahan,ang alam mo lang ay napapaligaya ka kahit sandali lang ay okay na sa iyo..
Minsan dating tahimik lang ang buhay mo,pero may biglang dumating na isang tao na di mo inaasahan na bigla mo na lang naramdaman na kinikilig ka,napapangiti ka at lagi mong hinahanap hanap para kang baliw.Bakit ganun?Masaya ka naman sa buhay mo,kuntento at may masayang pamilya,nagmamahalan,nagbibigayan,may mga pangarap sa buhay pero sa isang saglit ay may isang tao na dumating sa buhay mo na parang kidlat,na minahal mo agad!samantalang may minamahal ka namang iba at ganun din ang taong ito may minamahal ding iba.. para tuloy na feeling mo teen ager ka ulit..
Sabi nga:
"Walang maituturing ang wika sa tanong ng Pag-ibig sa isang sulyap na kumikislap o palihim.Sa halip,sumasagot ang ngiti,ang halik o ang bugtong-hininga"-Dr.Jose P.Rizal (Noli Me Tangere)
At di kayang maintindihan kung bakit...Ano ba talaga ang gagawin ng isang tao na kapag dumating sa kanya ang ganitong sitwasyon? Parang gusto ko tuloy na kumanta ng "Bakit ngayon ka lang dumating sa buhay ko?" or kaya naman ung kantang "Sana dalawa ang puso ko,,," kaso di naman puwede kasi isa lang ang puso natin at isa lang ang dapat mahalin. Sa tingin nyo,ano nga ba ang dapat gawin?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento