Sa dami ng nagsusulputang churches.Alin kaya ang dapat mong puntahan?Kung lahat sila ay mag iinvite sa iyo,anong gimik,kaya nila ang makakahatak sa iyo?
Ang church ay hindi lang naman organization o company na kung saan ay puwede tayong mag resign kung ayaw na natin or kaya bibigyan ka ng Memo kapag nagkakamali ka at may gusto silang nais na iparating or ipagawa sa iyo.
The Church is a community,at the very least,it is supposed to be family,second family pa nga kung tutuusin di ba?Pinag aaralan natin yan sa Sunday School at napag uusapan lagi sa mga cell groups.
Walang nagreresign sa isang pamilya or walang umaalis at nang-iiwan.Ano pa ba ang mas tawag sa mga aalis or nang iiwan na nga lang eh gusto pang magtangay ng blessing?At wala din namang talagang perfect family,lahat ay may kakulangan ang bawat isa,kahinaan at kapintasan.At hindi rin maganda na palipat lipat tayo ng church,magiging parang bato lang tayo na pagulong gulong at di nagkakaugat pati.Walang perfect na church or pamilya,
Masakit ung umaalis,pero sigurado ako na mas masakit ung iniwanan na lang ng bigla,ni walang paalam man lang at di maisip kung ano ang pagkukulang.Di man lang nabigyan ng pagkakataon na maipaliwanag ang side nung iniwanan at nilisan ng walang paalam.Kahit naman siguro ung mga ruthless,may puso din sila,Tao din sila.Obviously ,nagkakamali,. Perhaps,human nature got better of them sa maraming pagkakataon.Christian may claim to be forgiven and born again,but they are not sin-proof.
Sadly,kadalasan mas malala nga lang ata ung pagiging sinner,but just to put it bluntly,the church may indeed be built by God Himself,but we are still,sabihin na nating,"assembled in China,"
Pero ganun naman talaga dapat na ang isang pamilya,na dapat ay stick to each other through thick and thin.Lalo tayong mga Pilipino,lumalayo man tayo sa ating mga mahal sa buhay,pero iyon ay para buhayin ang ating pamilya.
At hindi para takbuhan sila...
“Maaari kasing mahalin ang isang bagay kahit hindi mo gusto, pero parang mahirap gustuhin ang isang bagay na hindi mo mahal.”
Happy New Year 2018 sa ating lahat,.Bagong buhay,bagong pagpapala ang makakamtam nating lahat at yan ang dalangin ko sa ating lahat,..Lagi ko din panalangin ung magandang kalusugan sa aking buong pamilya,At ibigay ng Lord ung desire ng nais ng aming puso,patuloy na lumago sa paglilingkod sa Panginoon,physically,spiritually at emotionally...At higit sa lahat ay patuloy na ma enjoy ko ung buhay na binigay ng Lord sa akin sa mabuting paraan kasi di naman natin alam kung hanggang kailan pa tayo mabubuhay.Whew...grabe medyo napahaba ng intro ko dito sa aking blog...
At eto nga ung nasulat ko at nahagilap ko, na maari kasing mahalin mo ang isang bagay kahit hindi mo gusto,pero parang mahirap gustuhin ang isang bagay na hindi mo mahal,Tutoo yan at palaging nangyayari yan sa ating buhay na kung minsan talaga napipilitan tayong gawin ang isang bagay na kahit di mo gusto.Napapamahal ka na pala sa isang bagay na kahit di mo gusto,Pero ung mahalin ang isang bagay na ayaw mong mahalin ay di puwedeng mangyari kahit na anong gawin.Di nabibili ng salapi ang pagmamahal kusang umuusbong yan,madalas di mo na nga maintindihan kung bakit mo patuloy minamahal ang isang bagay kahit wala namang katiyakan...
Nais ko din mas lalo akong sipagan sa pagsusulat,dahil sa aking pagsusulat ay naihahayag ang nilalaman ng aking puso at isipan,pati na din ung imahinasyon ko.May sariling mundo kang binubuo kapag nagsusulat ka at pakiramdam ko,napakamapakapangyarihan kong nilalang sa tuwing ako ay nagsusulat,sapagkat doon ay puwede akong umiyak,tumawa,matakot at mga iba pang damdamin na nais kumawala sa aking puso....Dahil doon ay kaya kong gawin at sabihin ang lahat ng gusto kong mangyari sa aking isipan,..Napakasarap magsulat, napakahirap din kung minsan kasi minsan walang pumapasok sa aking isipan kaya minsan or madalas ay nagbabasa ako at kung minsan naman ay nag iinterview ako ng mga tao para malaman din ang opinyon nila at madalas nakakapulot din ako ng mga kaalaman mula sa mga taong nakakausap ko..
![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhk0i91PNPXraP6kBIDLLIxjJEPXup9YAME97AEpT6ryHqhakaAhbhBF_0A3I9JOckKAC4fNk2FKqL74NpHZwTFQwrGq-j3nJ5t15dqcBU0g2HV4y7IeZ0mc4Q7h0gahYstalpZJ_8aRXo/s320/love.jpeg)
Maraming mga bagay akong nais na ibahagi at ikuwento sa inyong lahat kaya lang minsan kasi nag iisip pa ako,..Isa lang laging sigurado sa aking buhay ay simula nung nakilala ko ang Diyos sa aking buhay ay nagkarun ng direksyon ang aking buhay,unti unti ay binabago Nya ako,at patuloy na hanggang ngayon ay binabago Nya ako,..Unti unti ko din nalalaman ung mga talento na binigay Nya sa akin,...
“Totoo pala na kulang ang salita para sa lahat ng nararamdaman.”
"Utang kong ibigin ka!" #servanthood
"Naririnig pero hindi nakikinig"
"Ngayon alam ko na kung bakit mas pinipili ng ibang tao na umalis kaysa manatili-
kasi mas pinapahalagahan ng karamihan ang nawala kaysa natira"
"Sa bawat minutong lumilipas,..Hinahanap-hanap kita."