Matapos kong ayusin ang mga dapat kong gawin nang nasa Pinas ako buwan ng July 2015
naghanap kaagad ako ng bibliya sa National bookstore. Bumili ako ng isa, yung may old and new testament na NIV (New International Version) meron din akong iseshare about this version.
Habang nasa bahay ako, inumpisahan ko nang basahin ang tungkol sa Deuteronomy. Meron akong naintindihan at meron ding hindi. Sa tutuo lang hirap akong unawain ang mga nakasulat doon. Naisip ko kaya siguro iilan lang ang nagbabasa neto kasi ang hirap niyang intindihin. Hindi pa gaanong nagtanim sa isip at puso ko ang lahat nang nabasa ko. Sinabi ko kay Lord iyon.
Hindi na uli ako nagbasa ng bibliya.Hindi ko nagawa iyon, lagi kong ipinagliliban ang pagbabasa. Lagi kong sinasabi sa sarili na next time na lang.
Nagising ako nang mga alas kuwatro ng madaling-araw, ayon sa wall clock sa kwarto namin. Nanatili akong nakahiga. Nag iinin. Nakatitig ako sa kisame. Nagulat ako, ang buong kisame ay naging isang bukas na bibliya! Gumagalaw ang bawat salita! Tila may buhay. Nananaginip ba ako? Kinurot ko ang aking sarili sa tagiliran sa bandang itaas ng hita sa pag aakalang nanaginip lang ako o namamalikmata! Pero gising na gising ako, wala akong naramdamang takot kundi pilit kong binabasa sa pag aakalang marahil may gustong ibigay na mensahe ang Panginoon. Hindi ko na namalayan kong gaano katagal ang tagpong iyon. Bumangon ako at nanalangin, tinanong ko kay Lord kung ano ang nais niyang ipahiwatig sa akin.
Napakabait talaga ni Lord, matapos kong ihingi sa Kanya na bigyan ako ng sapat na pang unawa sa mga ipinakita Niya sa akin. Sinagot Niya ang panalangin ko! Basahin ko ang mga salita Niya sa bibliya.