Lunes, Mayo 22, 2017

Pakiramdam ko.............





"Pakiramdam ko, pinupunit ako, paunti unti"


Nung sinabi nila wala na yung hinihintay ko.,at kahit anong 


gawin ko ay wala na talaga,...hindi ako umiyak,hindi man 


lang ako kumurap...




Wala eh, parang blanko lang ako,para akong lumulutang


sa kawalan at madilim ung tingin ko sa aking paligid,at ang


mga luha ko ay ayaw tumulo,nasa mga gilid lang sya ng 


aking mga mata at di ko 


maintindihan ang aking


sasabihin...


.
Nararamdaman ko na lang na 


parang may pumupunit,


pumupunit sa pagkatao ko,na 


parang gusto kong sumigaw 


pero walang boses na lumalabas mula sa aking bibig...

Sabado, Mayo 20, 2017

Im confidently beautiful with a heart............ache





"Can you just stay a little bit longer?"...puwede ka bang mag stay kahit sandali lang?...kahit sandali lang basta't makasama ka di ko kasi alam kung kailan kita muling makikita,..di ko rin alam kung kailan kita makakasama muli  at makakapiling sa aking kandungan...


"Kapag wala na wala, huwag ng ipilit. Masakit."...masakit sobrang sakit... 
ganun ba talaga yun?puwede mo bang sabihin sa puso mo na wag ka nang tumibok at sabihin sa utak mo na huwag mo na syang isipin,.. Napakahirap naman nun kung ang pinipintig ng aking puso at ang sinisigaw ng aking isip at damdamin ay ang iyong pangalan..




Hanggang ngayon ay lumuluha pa din ako sa sakit na aking nararamdaman sa tuwing naalaala ko ang ating nakaraan,ang mga masasayang sandali na magkasama tayong dalawa,..At umaasa ako na muling maibabalik ang mga masasayang araw na yun,..,Pasensya na at ako'y umasa.Hindi ko sadyang mahulog sa iyong mga matatamis na kataga.. Nangangako ako na simula sa araw na ito,hindi ko na paliliitin ang mundo ko na minsan ko nang pinaikot sa iyo..At minsan ay masaya,pero madalas ay masakit....













Huwebes, Mayo 18, 2017

#hugot#tagalog#honey


Marami na tayong mga pinagsamahan.At sa araw araw,lalo lang lumalalim yung pagmamahal natin sa isat isa,.
Alam ko nasabi ko na ito sa iyo,pero gusto kong ulitin na mahal lahat ng bagay sa iyo,kapag kasama kita,kapag hawak hawak ko ang mga kamay mo,kapag nakasandal ako sa balikat mo at sa lahat ng bagay na ginagawa mo,lalo na akong na-iinlove sa iyo.Sobrang saya ko lang na nakasama kita at sabay tayo na bumubuo ng mga pangarap sa buhay,.Yung ikaw,na nagpapasaya sa akin at kung minsan ikaw din dahilan bakit ako nasasaktan at lumuluha pero kahit na ganun pa man,mahal na mahal kita,at ayokong dumating ang araw na magbabago ung pagmamahal mo sa akin.At alam kong ikaw lang talaga ang mamahalin ko habang buhay.Gusto ko pang makasama ka sa mas marami pang kulitan at tawanan,at alam kong namimiss mo yung pamatay kong sayaw at doon ay lagi kitang napapangiti.At ikaw din un nagpapaliwanag sa aking buhay at sa mga kakulangan ko din na kung minsan ay di ako nakikinig,patawarin mo ako dun,At sa tuwing kailangan mo ako,pangako  lagi akong nasa tabi mo,handang dumamay kahit na sa anong oras,kahit na maglakad pa ako sa alambre,kahit ilang dagat pa ang tatawirin ko basta makasama kita at makapiling.,kasi mahal na mahal kita!hanggang sa dulo ng aking buhay kahit na sa kabilang buhay pa..


Salamat sa lahat lahat,sa pagmamahal at sa pagbuo ng mundo nating dalawa.Sabay nating haharapin ang mga hamon ng buhay basta magkasama tayong dalawa at pati ung naging bunga ng ating pagmamahalan na kamukha ko,hehehe...di ka puwedeng kumontra kasi blog ko ito...

Miyerkules, Mayo 17, 2017

Misteryosong napapaisip...




-Iniluwa ng mga sanga at dahon ng bakawan si Lumen. Ngumingiti si Lumen. Parang humahalakhak ang bakawan. Iniabot ni Mong ang kamay nya. Iniabot ni Lumen ang kamay. Hawak-kamay at patakbo nilang iniwan ang alaala ng pilyong eksena. Umaasa silang sa pagdako doon ng mga ibong bakaw, kasamang ililipad ng mga ito papalayo ang napunit na sa retaso ng kamusmusan.

Tatlong Araw, Tatlong Gabi
(Unang nobelang horror, daw)

“Mas mabuting mamatay sa paghahabol ng gusto mo, kesa mamatay sa kakaiwas sa ayaw mo.”




Grabeng hugot at damang dama mo talaga ang salita at letrang nababasa mo,..Tatlong taon na mula nung mabasa ko ang aklat na ‘to at hanggang ngayon nakatatak pa rin sa isip ko ang istorya at binabagabag pa rin ako at nalilito kung ano ba talaga ang nangyari at gustong sabihin ng sumulat. Nakakaloka,nakakabaliw,nakakakiliti... hahaha. Hindi ito kuwentong pambata, taliwas sa gusto kong gawing blog pero nabanggit ko na magpopost ako ng mga libro na maaaring makatulong sa pagsusulat ng aking blog at isa ang librong ito.

 Masasabi kong malaki ang naging impluwensiya sa akin nitong libro dahil marami akong bagong nalaman at naliwanagan ako sa maraming bagay.Pero pinulot ko lang ung mga bagay na maganda at iniwan ko ung mga bagay na alam kong di makakabuti,.. Mahilig ako sa mga kuwentong mapapaisip talaga ako at may halong adventure o misteryo kaya naman nagustuhan ko ang aklat na ito.Gusto ko din ung kuwentong nakakatakot,di ako masyadong mahilig magbasa ng mga romance,ung tipong nakakainlove, hehehe pero sa tutoong buhay ay mahilig ako sa romance,tipong pinapadama at di lang sinasabi.,ginagawa ko at pinapadama ko, ayieeeeeeeeeeeee...

Tulad ng sabi ko kanina sa aking blog post ukol din sa aklat na ito ay may halong misteryo, konting romansa at puno ng kababalaghan na siguradong kikiliti sa iyong isipan at di mo maibaba ang libro kapag naumpisahan mo na. Kaya try mo nang basahin din at dalangin ko din na sana makagawa din ako ng libro gaya ng ganyan din,...

Huwebes, Mayo 11, 2017

Gameshow






Kailan lang may napanood akong video sa youtube about sa isang gameshow. 

Napakadali ng tanong pero hindi ito nasagot ng mga batang contestant at mga

magulang nila. Binasa ko ang mga comments at madami ang na-offend. 

Ako naman rather than ma-offend, nabagabag ako. Anong nangyari sa DepEd?.. 
Yan ba ang dulot ng puro ka-dramahan,k-pop at kalandian na palabas sa TV at sa social networks? 


Nalungkot ako ng sobra. Hindi mo kailangan makatapos ng elementary para malaman ang addition....

 Pilipinas, buhay ay langit sa piling mo, pero anong nangyari sa iyo?