Miyerkules, Marso 1, 2017

Tsinelas....




Naalala mo ba yung commercial na..sinasabi na “wala akong tibay na maasahan sa yo”? Salamat Spartan sandals….


Pag alam mo yan, alam mo din ang That’s Entertainment, Airwolf, Blue Thunder at ang Bazooka Joe Magic circle club or ang Goya Fun factory…hehhehe..dekada 80 yan..
Pero teka wala dyan ang pag uusapan natin kundi sa tsinelas..ang layo no…:)


Bago pa man nagkaruon ng Islander andyan na ang Spartan..Mura na matibay pa..minsan ang mga ganitong  bagay ay di natin pinapansin kasi madaling mabili..kaya minsan nakakalimutan na natin ang halaga ng tsinelas. Subukan mo kayang mag lakad ng walang panyapak? Lalo na dito sa Dubai..

Naku ewan ko lang kung di ka umaray ng umaray…lalo na kung kakagaling mo lang sa foot spa..super linis at super nipis na ang talampakan mo, tapos mag lakad ka..baka kahit isang butil lang ng buhanagin maramdaman mo na ang pag sayad sa talampakan mo..ang sakit ano..lalakad ka pa kaya ng kay layo layo..siguro mag mamaka awa ka para maka pag suot ka lang ng tsinelas..Yan ang tsinelas, it protects our sole sa mga dumi, roughness of the road, heat, at kung ano anong bagay na nasa dadaanan natin..


Parang wala lang kahit andyan kasi sanay na tayo pero subukan mong mawalan..sasabihin mo asan ka tsinelas ko…


Sa buhay ng tao marami tayong bagay na meron, meron tayong good health, mga kaibigan, kamag anak, meron tayong trabaho, meron tayong bahay na natutulugan at higit sa lahat meron tayong Diyos na masasandigan at matatawag sa oras ng kagipitan..ang tanong ko lang.




Do we acknowledge this things in our life? Nag papasalamat ba tayo at meron tayong work, meron tayong kapatid, kaibigan, natutulugan at Diyos? Or napapansin lang natin pag wala na sila? Sa ganang akin, let us thank God for this things we have, may work ka, may kaibigan ka, may family at kung ano ano pa na meron ka..tumingin ka lang sa paligid mo at masasabi mo na Lord salamat meron pala ako nito…


Lalong lalo na mag pasalamat ka kasi God is always there for you..”He will never leave you nor forsake you” kasi sabi nya yun..ang plans pa nga nya sa yo “is to prosper you and not to harm you”…ano pang hahanapin mo…kaya kapatid..sa oras na ito bilangin mo ang mga bagay mo na meron ka wag mong hanapin ang bagay na wala ka..at higit sa lahat pasalamatan mo si God sa bagay na ito..Biro mo you came into the world na hubad, pero sa sobrang love tayo ni God, He is really faithful and true kasi “He supplies all our needs”..


Kapatid, next time na mag lalakad ka, thank God sa tsinelas and thank Him also for loving you….