"Sinasapian ako ng mga salitang hindi ko magawang isulat."
Lunes, Disyembre 25, 2017
Biyernes, Disyembre 22, 2017
Maling Sakit...
Pag “maling” sakit na, “tamang” bitaw na
Pwedeng may iba’t ibang uri kasi ng sakit.
Unang sakit: Ito yung dapat mong pagdaanan para matuto ka.
Huwebes, Disyembre 21, 2017
Masayang Araw...
Miyerkules, Setyembre 13, 2017
Ang TULA
ANG TULA....
Sandali na lang,maari bang hawakan,?.
Nakakakaba,nakakatense pala.
Teka lang naman, saglit pwede ba? Kalma lang..
Teka lang naman, saglit pwede ba? Kalma lang..
Turete ako sa iyo,..
Nakita kita! Este sa panaginip lang pala.
Kilig na kilig, bakit ganun ang nararamdaman? Nananadya ka ba?
Aalis na lang,Wag kang mag alala,di ko ipipilit sa iyo...
Di man makasama at mahawakan, masulyapan lang ay sapat na.
Turete sa iyo....Turete ako sa iyo...
Nagpipigil. Kinikilig. Parang batang nalulunod sa galak.
Lunes, Hulyo 31, 2017
How to Choose Correctly
HOW TO CHOOSE CORRECTLY
Sa araw araw nating pamumuhay hindi pwede na hindi tayo mamimili or mag dedecide. Hindi pwede na para lang tayong sumasabay sa agos ng buhay. Hindi pwedeng bahala na. Most of the time we are compelled to make decisions whether small or big. Laging kailangang mag desisyon.
Kaso ang mahirap sa desisyon hindi mo alam kung magiging maayos lagi. Minsan kasi akala natin tama ung desisyon natin pero sa pag lipas ng mga araw malalaman natin na nagkamali tayo. Sabi nga "We can choose want we want but we cannot choose the consequenses" Sometimes wrong choice or decision can badly hurt us, physically, financially or materially kaya today we will learn how to choose correctly.
GLORIFY GOD - Sabi sa 1st Corinthians 10:31 "whether we eat or drink we do it for the Glory of God" it means that when we are making choices, we will ask ourselves first if this desicion will bring Glory to God. Tanungin natin ang sarili natin...mapupuri ba si Lord dito sa gagawin ko? Upon asking that question we can conclude kung tama ba or mali ang gagawin natin.
OBEYING GOD - "Blessed are those who hear the Word of God and Obeys it" - Luke 11:28: Pangalawang dapat natin i consider when we consider is that are we Obeying God's Word when we are doing choices and decision. Sabi nga "Nasusulat ba yan?" Almost all problems that we can encounter in this life are already written in the Bible. Maaring hindi parehong pareho but the principles in the Bible are timeless and we can use in making our daily decisions.
DIRECTING OTHERS TO GOD - Sabi ni Lord Jesus bago siya umakyat sa langit "make disciples of all nations" kaya another step in making a correct decision is that "will it direct others to Jesus?" Especially Christians, sabi nga we are ambassadors of Christ at dapat in everything we do it must direct others to Christ. Sabi nga even the smallest decision matters as people around us are constanly looks in every choices we make.
LOVING GOD - In every choice we are making, in every thing that we do, it should show the love of God. We Christians should reflect God's love to others. Sabi nga this is how the people around should see us. Are we loving God? Are we loving the people around us? Are we loving our brethren? Pagmamahal ang dapat nakikita sa atin sapagkat ang Diyos na sinasamba natin ay Diyos ng pagmamahal. We should not only love the lovable people but ALL people. In this way, they would see the loving God that we serve and Worship.
YIELDING GOOD FRUIT - In every decision we make, we should make sure that we are going to yield good fruit. Christians are to yield good fruits. In other word, we should make choices and decisons that will eventually bear good outcome. Ika nga, para kay Christ ang lahat ng ginagawa natin at kung para kay Kristo ito..rest assured that it will bear good fruit..fruit that will last.
How can we make correct decision? Secret is that all choices and decision we make we should ask ourselves ...IS IT GODLY? Remember if we choose Godly decisions....hindi tayo magkakamali. sa Tagalog " pag gumawa ka nga tama; hindi ka magkakamali"
God bless po!
Miyerkules, Hunyo 7, 2017
Luha
May kasabihan nga daw..."Feelings can be controlled, but tears never lie."
Colorless ang luha para hindi na magmarka sa pisngi at huwag nang mag-mancha sa unan, sa damit o sa panyo.
Palaglagin ang luha, paagusin, pabahain. Nakaluluwag ng diddib ang pag-iyak. Ngunit matapos ito, kalimutan na. Pasiglahin ang sarili. Pasayahin ang buhay.
Huwag nang ilantad, ikwento, ipamalita ang pag-iyak.
Kaya nga colorless ang luha, para hindi na mag-iwan ng bakas at nang hindi na makita ng madla.
Kaya nga colorless ang luha, para hindi na mag-iwan ng bakas at nang hindi na makita ng madla.
Lunes, Mayo 22, 2017
Pakiramdam ko.............
"Pakiramdam ko, pinupunit ako, paunti unti"
Nung sinabi nila wala na yung hinihintay ko.,at kahit anong
gawin ko ay wala na talaga,...hindi ako umiyak,hindi man
lang ako kumurap...
Wala eh, parang blanko lang ako,para akong lumulutang
sa kawalan at madilim ung tingin ko sa aking paligid,at ang
mga luha ko ay ayaw tumulo,nasa mga gilid lang sya ng
aking mga mata at di ko
maintindihan ang aking
sasabihin...
.
Nararamdaman ko na lang na
parang may pumupunit,
parang may pumupunit,
pumupunit sa pagkatao ko,na
parang gusto kong sumigaw
pero walang boses na lumalabas mula sa aking bibig...
Sabado, Mayo 20, 2017
Im confidently beautiful with a heart............ache
"Can you just stay a little bit longer?"...puwede ka bang mag stay kahit sandali lang?...kahit sandali lang basta't makasama ka di ko kasi alam kung kailan kita muling makikita,..di ko rin alam kung kailan kita makakasama muli at makakapiling sa aking kandungan...
"Kapag wala na wala, huwag ng ipilit. Masakit."...masakit sobrang sakit...
ganun ba talaga yun?puwede mo bang sabihin sa puso mo na wag ka nang tumibok at sabihin sa utak mo na huwag mo na syang isipin,.. Napakahirap naman nun kung ang pinipintig ng aking puso at ang sinisigaw ng aking isip at damdamin ay ang iyong pangalan..
Hanggang ngayon ay lumuluha pa din ako sa sakit na aking nararamdaman sa tuwing naalaala ko ang ating nakaraan,ang mga masasayang sandali na magkasama tayong dalawa,..At umaasa ako na muling maibabalik ang mga masasayang araw na yun,..,Pasensya na at ako'y umasa.Hindi ko sadyang mahulog sa iyong mga matatamis na kataga.. Nangangako ako na simula sa araw na ito,hindi ko na paliliitin ang mundo ko na minsan ko nang pinaikot sa iyo..At minsan ay masaya,pero madalas ay masakit....
Huwebes, Mayo 18, 2017
#hugot#tagalog#honey
Marami na tayong mga pinagsamahan.At sa araw araw,lalo lang lumalalim yung pagmamahal natin sa isat isa,.
Alam ko nasabi ko na ito sa iyo,pero gusto kong ulitin na mahal lahat ng bagay sa iyo,kapag kasama kita,kapag hawak hawak ko ang mga kamay mo,kapag nakasandal ako sa balikat mo at sa lahat ng bagay na ginagawa mo,lalo na akong na-iinlove sa iyo.Sobrang saya ko lang na nakasama kita at sabay tayo na bumubuo ng mga pangarap sa buhay,.Yung ikaw,na nagpapasaya sa akin at kung minsan ikaw din dahilan bakit ako nasasaktan at lumuluha pero kahit na ganun pa man,mahal na mahal kita,at ayokong dumating ang araw na magbabago ung pagmamahal mo sa akin.At alam kong ikaw lang talaga ang mamahalin ko habang buhay.Gusto ko pang makasama ka sa mas marami pang kulitan at tawanan,at alam kong namimiss mo yung pamatay kong sayaw at doon ay lagi kitang napapangiti.At ikaw din un nagpapaliwanag sa aking buhay at sa mga kakulangan ko din na kung minsan ay di ako nakikinig,patawarin mo ako dun,At sa tuwing kailangan mo ako,pangako lagi akong nasa tabi mo,handang dumamay kahit na sa anong oras,kahit na maglakad pa ako sa alambre,kahit ilang dagat pa ang tatawirin ko basta makasama kita at makapiling.,kasi mahal na mahal kita!hanggang sa dulo ng aking buhay kahit na sa kabilang buhay pa..
Salamat sa lahat lahat,sa pagmamahal at sa pagbuo ng mundo nating dalawa.Sabay nating haharapin ang mga hamon ng buhay basta magkasama tayong dalawa at pati ung naging bunga ng ating pagmamahalan na kamukha ko,hehehe...di ka puwedeng kumontra kasi blog ko ito...
Miyerkules, Mayo 17, 2017
Misteryosong napapaisip...
-Iniluwa ng mga sanga at dahon ng bakawan si Lumen. Ngumingiti si Lumen. Parang humahalakhak ang bakawan. Iniabot ni Mong ang kamay nya. Iniabot ni Lumen ang kamay. Hawak-kamay at patakbo nilang iniwan ang alaala ng pilyong eksena. Umaasa silang sa pagdako doon ng mga ibong bakaw, kasamang ililipad ng mga ito papalayo ang napunit na sa retaso ng kamusmusan.
Tatlong Araw, Tatlong Gabi
(Unang nobelang horror, daw)
“Mas mabuting mamatay sa paghahabol ng gusto mo, kesa mamatay sa kakaiwas sa ayaw mo.”
Grabeng hugot at damang dama mo talaga ang salita at letrang nababasa mo,..Tatlong taon na mula nung mabasa ko ang aklat na ‘to at hanggang ngayon nakatatak pa rin sa isip ko ang istorya at binabagabag pa rin ako at nalilito kung ano ba talaga ang nangyari at gustong sabihin ng sumulat. Nakakaloka,nakakabaliw,nakakakiliti... hahaha. Hindi ito kuwentong pambata, taliwas sa gusto kong gawing blog pero nabanggit ko na magpopost ako ng mga libro na maaaring makatulong sa pagsusulat ng aking blog at isa ang librong ito.
Masasabi kong malaki ang naging impluwensiya sa akin nitong libro dahil marami akong bagong nalaman at naliwanagan ako sa maraming bagay.Pero pinulot ko lang ung mga bagay na maganda at iniwan ko ung mga bagay na alam kong di makakabuti,.. Mahilig ako sa mga kuwentong mapapaisip talaga ako at may halong adventure o misteryo kaya naman nagustuhan ko ang aklat na ito.Gusto ko din ung kuwentong nakakatakot,di ako masyadong mahilig magbasa ng mga romance,ung tipong nakakainlove, hehehe pero sa tutoong buhay ay mahilig ako sa romance,tipong pinapadama at di lang sinasabi.,ginagawa ko at pinapadama ko, ayieeeeeeeeeeeee...
Tulad ng sabi ko kanina sa aking blog post ukol din sa aklat na ito ay may halong misteryo, konting romansa at puno ng kababalaghan na siguradong kikiliti sa iyong isipan at di mo maibaba ang libro kapag naumpisahan mo na. Kaya try mo nang basahin din at dalangin ko din na sana makagawa din ako ng libro gaya ng ganyan din,...
Huwebes, Mayo 11, 2017
Gameshow
Kailan lang may napanood akong video sa youtube about sa isang gameshow.
Napakadali ng tanong pero hindi ito nasagot ng mga batang contestant at mga
magulang nila. Binasa ko ang mga comments at madami ang na-offend.
Ako naman rather than ma-offend, nabagabag ako. Anong nangyari sa DepEd?..
Yan ba ang dulot ng puro ka-dramahan,k-pop at kalandian na palabas sa TV at sa social networks?
Nalungkot ako ng sobra. Hindi mo kailangan makatapos ng elementary para malaman ang addition....
Pilipinas, buhay ay langit sa piling mo, pero anong nangyari sa iyo?
Miyerkules, Abril 5, 2017
Transforming...
Kahapon ay nahiligan ko manood ng Narnia:Voyage of Dawn Treader,at napakaganda pala nito...
May isang napakagandang analogy ng grasya at transforming power ng Panginoon na ipinakita sa librong Chronicles of Narnia: Voyage of Dawn Treader ni C.S. Lewis.
May isang pasaway na kabataan, si Eustace, na nahumaling sa sobrang karangyaan at luho, ang naging dragon. Lumayo siya sa karamihan at patuloy na lumuluha ng apoy sa sobrang kalungkutan. Hirap na hirap siya dahil iyong gold bracelet na inilagay niya sa kaniyang braso ay nakakapit nang husto sa lumaki niyang katawan.
Ang matinding eksena: sa kaniyang pag-iisa, dumating si Aslan para tulungan siyang maging tao muli. Dinala siya ni Aslan sa isang hardin sa taas ng isang bundok. Doon nakita ni Eustace ang isang tubigan kung saan humiling siya na maglublob para mabawasan man lang ang kaniyang kasakitan.
Sinabi ni Aslan na kailangang maghubad muna siya bago lumublob sa tubig. Alam ni Eustace na dahil wala naman siyang damit ay ang kaniyang makakapal na kaliskis ang tinutukoy ni Aslan. Kinaskas niya ang kaniyang balat subalit hindi maubos-ubos ang kaniyang kaliskis.
Doon nagsabi si Aslan: "Hayaan mo nang ako ang maghubad ng mga balat mo." Bagaman natatakot, pumayag si Eustace na balatan siya ni Aslan. Nagtagumpay si Aslan. Natanggal ang lahat ng kaniyang kaliskis kahit masakit at dinamitan siya ni Aslan matapos siyang maging tao muli.
Dakilang aral: Hindi natin kayang baguhin ang ating sarili. Si Lord lang ang kayang sumira ng sumpa sa ating buhay, damitan tayo ng kabanalan upang makapagbagong-buhay.Kaya palagi tayo dapat magtiwala sa Panginoon..
Miyerkules, Marso 1, 2017
Tsinelas....
Naalala mo ba yung commercial na..sinasabi na “wala akong tibay na maasahan sa yo”? Salamat Spartan sandals….
Pag alam mo yan, alam mo din ang That’s Entertainment, Airwolf, Blue Thunder at ang Bazooka Joe Magic circle club or ang Goya Fun factory…hehhehe..dekada 80 yan..
Pero teka wala dyan ang pag uusapan natin kundi sa tsinelas..ang layo no…:)
Bago pa man nagkaruon ng Islander andyan na ang Spartan..Mura na matibay pa..minsan ang mga ganitong bagay ay di natin pinapansin kasi madaling mabili..kaya minsan nakakalimutan na natin ang halaga ng tsinelas. Subukan mo kayang mag lakad ng walang panyapak? Lalo na dito sa Dubai..
Naku ewan ko lang kung di ka umaray ng umaray…lalo na kung kakagaling mo lang sa foot spa..super linis at super nipis na ang talampakan mo, tapos mag lakad ka..baka kahit isang butil lang ng buhanagin maramdaman mo na ang pag sayad sa talampakan mo..ang sakit ano..lalakad ka pa kaya ng kay layo layo..siguro mag mamaka awa ka para maka pag suot ka lang ng tsinelas..Yan ang tsinelas, it protects our sole sa mga dumi, roughness of the road, heat, at kung ano anong bagay na nasa dadaanan natin..
Parang wala lang kahit andyan kasi sanay na tayo pero subukan mong mawalan..sasabihin mo asan ka tsinelas ko…
Sa buhay ng tao marami tayong bagay na meron, meron tayong good health, mga kaibigan, kamag anak, meron tayong trabaho, meron tayong bahay na natutulugan at higit sa lahat meron tayong Diyos na masasandigan at matatawag sa oras ng kagipitan..ang tanong ko lang.
Do we acknowledge this things in our life? Nag papasalamat ba tayo at meron tayong work, meron tayong kapatid, kaibigan, natutulugan at Diyos? Or napapansin lang natin pag wala na sila? Sa ganang akin, let us thank God for this things we have, may work ka, may kaibigan ka, may family at kung ano ano pa na meron ka..tumingin ka lang sa paligid mo at masasabi mo na Lord salamat meron pala ako nito…
Lalong lalo na mag pasalamat ka kasi God is always there for you..”He will never leave you nor forsake you” kasi sabi nya yun..ang plans pa nga nya sa yo “is to prosper you and not to harm you”…ano pang hahanapin mo…kaya kapatid..sa oras na ito bilangin mo ang mga bagay mo na meron ka wag mong hanapin ang bagay na wala ka..at higit sa lahat pasalamatan mo si God sa bagay na ito..Biro mo you came into the world na hubad, pero sa sobrang love tayo ni God, He is really faithful and true kasi “He supplies all our needs”..
Kapatid, next time na mag lalakad ka, thank God sa tsinelas and thank Him also for loving you….
Lunes, Pebrero 27, 2017
Paulit-ulit
Hmmmm.isa sa mga expression na nauuso ngayon ay ang salitang "paulit-ulit"...
Ginagamit sa mga usaping kulitan or sa mga naiinis din ng mga taong pinagtatanungan natin,dahil di natin makuha agad ang nais nais nyang ibig sabihin at kung minsan naman ay alam na natin ang ibig sabihin pero gusto pa din na "paulit-ulit"pang ipaliwanag sa atin.
Sa aking palagay sa katagang "paulit-ulit" na yan... Alam ninyo bang si God ay gusto nyang "paulit-ulit" tayong lumalapit at nagtatanong sa Kanya? Nais nga Nya na para tayong mga bata kapg lumalapit sa Kanya..
Paulit-ulit na habag at kaawaan (Mercy)
Sa palagi lagi or paulit ulit tayong nagkakasala sa Panginoon ay patuloy Nya pa rin tayong kinahahabagan at kinaawaan at kahit na tayo ay paulit-ulit.. At palaging nanaig ang Kanyang pagmamahal sa atin,.
"Mapagpatawad ka at napakabuti;sa dumadalangin at sa nagsisisi,ang iyong pag-ibig ay mananatili". Awit 86:5
Kung ang Diyos ay may mercy (awa, habag) sa iyo,at nanatili un,kahit na "paulit ulit" tayong nagkakasala.. Dapat mayron din tayo sa ating kapwa kahit na paulit-ulit tayong nasasaktan.
Linggo, Pebrero 26, 2017
Personal Witness....
Hi! it's been a while blogging... so much busy in doing things but hopefully ay makapag sulat ulit at magkaron ng oras para makapag blog at mai-share ko naman sa inyong lahat ang aking reflection ulit.Do you miss me ba?...
This time here is my short sharing about Evangelism or Personal witness....
Sabi nga ng Biblia:
"Therefore go and make disciples of all nations, baptizing them in the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit," Matthew 28:19
Sabi ng Lord yan bago sya umakyat sa langit at yan ang bilin nya sa ating mga Anak nya,..kung kaya naman after ng Church Service namin kahapon ay ng Evangelism Drive na kami sa San Mateo Rizal,na kung saan ay na invite lang muna ako with my daughter at ang Nanay ko,. then naisip ko naman ay bakit di ko i try na mag evangelise kami dun kasama ung mga manggagawa sa church at eto na ung pagkakataon na makapag bahagi ng Gospel sa mga tao doon.Kaya ayun pumunta na kami, at kulitan sa biyahe,kantahan at picturan,eh mawawala ba naman un,ika nga enjoy mo ung mga moment na kasama ang mga kabataang kapatiran at isama pa ang picturan para may memories talaga. Alam nyo, masayang kasama mga kabataan kasi bukod sa mga magugulo,makukulit,masasayang kasama at pakiramdam ko ay bumabata ako hehehe.... minsan nga mas teen ager pa ako hihihihi!
Pagdating dun sa San Mateo at napakahaba ng biyahe talaga naman nakipag bakbakan ka sa mga alikabok,usok,ingay at init,hehheeh...
Praise God!naman ay nakapag evangelise kami at marunong karanasan na aming naranasan at kakaiba talaga,napagtanto ko na mas mahirap pala talaga mag share ng Gospel dito sa ating sariling bayan kaysa sa ibang bansa, baligtad no? kung kailan same kayo ng language dun pa mas mahirap ehhh samantalang sa ibang bansa ay English ang ginagamit kapag may ang binabahaginan mo ay ang mga ibang lahi katulad noong karanasan namin ng pamilya ko noong nasa Dubai pa kami,at minsan pa nga ay nag aarabic ka pa hehehe...basic lang naman ang alam ko sa language na yan... May mga tumanggap naman at meron namang hindi pero ayos lang un kasi ang importante naman dun ay nataniman sila ng Salita ng Diyos,kaya masaya kaming umuwi kasi nakapag bahagi kami ng Salita ng Diyos sa mga tao dun sa San Mateo Rizal..Sa Diyos lamang ang kapurihan!
Sabagay dito kasi sa atin di mo masisisi na maging ganun kasi sa dami ng mga manloloko ay talagang nag iingat ang mga tao,...
Sabi ko nga minsan nais ko din magbahagi ng Gospel sa bus,jeep or kahit saan,humihinge pa lang ako ng lakas ng loob sa Panginoon kasi di biro un lalo na kapag di mo kilala ung mga kakausapin mo,..Talagang si Lord ang magbibigay sa iyo ng kalakasan..
Ang galing talaga ng Lord! I am so blessed na ginagamit Nya ako at kahit alam kong di ako karapat dapat ay patuloy Nya akong ginagamit at ang nakakatuwa pa kasi eto nakakapag blog pa ako na dati ay pangarap ko lang ang mag sulat..
Can you share testimonies about sa evangelism,ung mga naging karanasan nyo at ano ung nararamdaman nyo kapag may nagrereject at tumatanggap sa Panginoon...Thank you and may the Lord Jesus Christ bless your day!
Until next time mga kapatid at sana ay patuloy nyong suportahan ang aking munting blog.God bless you all!!!- Neera Light<3
Biyernes, Pebrero 24, 2017
Edsa People Power Revolution Dekada '86..................
Ano ang mga sumasagi sa isip mo tuwing sumasapit ang Feb 25? Ano ang mga naalaala mo dyan? Yun bang para sa iyo ay naging history nga ba ito? Nakatulong ba sa bansa natin ung tinatawag na Edsa People Power Revolution? Noong Feb 25,1986???....
Nangyari ito noong dekada '86 noong panahon ng Marcos Administration at kung saan ay ito ung panahon na pinatalsik sya ng mga taong bayan,( sa aking palagay, ay mga na brainwash lang ang mga ito, sapagkat sa tutoo lang di naman nila alam kung ano ba talaga pinaglalaban nila noong mga panahong un..) at nag sama sama ang lahat dahil marami ang naniniwala na tama na daw! sobra na daw! at kung di ako nagkakamali ay 20 years nanunungkulan bilang Pangulo si Dating Pangulong Ferdinand Marcos na ngayon ay nakahimlay na sa Libingan ng mga Bayani,...Napanood ko ito sa TV habang sinasagawa ung People Power at sa tutoo lang di ko pa naiintindihan kung ano ang pinaglalaban ng mga tao na un, basta ang alam ko lang ay gusto na nilang palitan ang namumuno sa bansa natin noon,at nakakapagtaka din kasi ang alam ko kapag napaalis ang President,ang papalit dito dapat ay ang Vice President pero pumalit noon ay isang biyudang Aquino at first time in history na nagkarun ng babaeng pres....
Pero pagkatapos nun,ano na nangyari sa bansa natin? napaunlad ba?umangat ba tayo?or dumami lang ang mga magnanakaw sa bayan at walang interes kundi ung mga sarili lang nila...
Opppssss...bago muna ang gusto ko muna sabihin sa inyo na di naman ako against sa kahit kaninong politiko...Makabayan ako at ang concern ko ung ating Inang Bayan at wala ng iba,, lagi ko nga pinagdadasal na sana dumating ang panahon na maging maayos ang bansa natin na katulad ng sa Korea or sa mauunlad na bansa na naunhanan na tayo sa pag unlad like Japan... Ansarap sana mag aral ng World History pero mahabang usapin ito at heheheh ,,,,malawakang pag reresearch ang gagawin natin dito....
Balik tayo sa topic natin about sa People Power na sinasabi nila.. Bukas ay icecelebrate at kanilang gugunitain ang mga nakalipas,.. sila lang un at utang na loob ayaw ko makisama dyan kasi para sa akin wala naman akong nakitang pagbabago simula nung nangyari yang Edsa Revolution na yan at lalo lang nagkahirap hirap ang bansa natin sa tutoo lang,...
Hanggang sa ngayon, inaalala pa rin ang mapayapang rebolusyon na napangyari sa EDSA highway noong Pebrero 25, 1986 na kilala sa katawagang EDSA People Power Revolution. Dahil sa pangyayaring ito, naging tampok ang ating bansa sa ipinakitang matinding pagkakaisa na nag-udyok sa mapayapang rebolusyon na kung saan ay walang dumanak na dugo,sapagkat noong mga panahong un ay ang pagkakaalam ko inutos ng ating dating Pangulong Marcos na aalis na lang sya kasama ang kanyang buong pamilya dahil ayaw nya na dumanak ng dugo dahil sa tutoo lang concern pa din sya sa kapakanan ng mga maraming kababayan natin.......
Pero noong panahon ng Aquino, anong nangyari??? dun sa Luisita Massacre at kung anu ano pa..... sana lang ung iba matuto silang maghalungkat ng mga katotohanan at sana lang wag natin ipagbili ang ating dignidad,ang pangalan natin sa konting halaga..
Ikaw kabayan sasama ka pa rin ba bukas sa Edsa Revolution? or mananahimik ka na lang sa bahay na kung saan mas may importanteng bagay ka pa na puwedeng gawin...Nasa sa iyo yan
...
Naukit sa aking damdamin ang pagmamahal para sa aking bayan,at di kung sinuman sa mga pulitiko... At naniniwala ako na ang tanging Diyos lamang ang makakatulong sa atin at Sya din ang maglalagay kung sino ang mamumuno sa ating bayan.Marahil kaya din Nya pinahintulutan mangyari ang Edsa Revolution para ngayon makita at mamulat din sa tayo sa mga nakatakip na mga maskara noong nakaraang administrasyon na ngayon ay unti unti nakikita at naglalabasan ang mga tinatago nilang mga baho at nakakalungkot din kasi ngayon ko lang din nalaman na madami palang mga bayaran na media at mga reporter,di lang naman mga yan halos san meron talaga...... nakakalungkot lang talaga...
Kaya para sa akin walang saysay at walang ang edsa revolution sa aking sariling pananaw..Mas gugustuhin ko pang manood na lang or kaya naman ay magsulat dito sa aking blog......
Huwebes, Pebrero 23, 2017
Bakit mabilis lumamig ang Instant Noodless?.....
Hindi ko alam kung bakit...........naitanong ko sa aking sarili ito na kung bakit nga ba mabilis lumamig ang instant noodles,kung ganun sya kabilis gawin ay ganun din kabilis lumamig ang noodles,..instant nga eh,kaya nga tinawag syang instant... mabilis at madaling gawin...Ikaw,sa tingin mo ano ang dahilan kung bakit mabilis lumamig ang instant noodles?......
At di ko alam kung may katuturan ba itong pinagsusulat ko sa araw na ito,basta naisip ko lang isulat at itanong din kung bakit nga ba ang bilis lumamig ng instant noodles..
Sabagay,di naman talaga masarap kumain ng malamig na noodles di ba,lalo na't malamig ang panahon,masarap higupin ang mainit na sabaw nito kahit na ito ay instant lamang..Pero alam nyo bang di healthy ang kumain ng instant noodles,at di rin maganda sa ating katawan.,pero minsan gusto pa din nating kumain kahit na alam mong di maganda sa ating kalusugan,..
Sasabihin mo, minsan lang naman ito,pero ung minsan na yan,eh di mo namamalayan na-aaddict ka na pala,at nahihirapan ka ng bumitaw at umiwas kasi nasasarapan ka na,hinahanap-hanap mo na kung minsan at madali lang kasi gawin pati,..Hugot! pati ba naman sa instant noodles may hugot pa din...hehehehe...
Hindi ko naman alam din kung bakit din mabilis lumamig ang instant noodles,siguro ay baka lang mabagal akong kumain kasi ayaw kong mapaso ang aking dila...o kaya naman kaya dahil instant noodles siya, dapat instant din ang paglamon nito, mabilisan kung baga na parang may humahabol sa iyo na kailangan mong magmadali na wari mo'y at pakiramdam mo nasa karerahan ka ng mga kabayo,..At kailangan ay instant ang pag-kain mo.
.....Sabagay lahat naman ngayon at lalo na sa panahon natin, dahil napaka moderno na ang lahat ng bagay halos lahat ay instant...At sigurado ako ung pagbabago lang ang hindi instant...
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)