Lunes, Abril 23, 2018

Ang Bibliya sa Kisame





Matapos kong ayusin ang mga dapat kong gawin nang nasa Pinas ako buwan ng July 2015
 naghanap kaagad ako ng bibliya sa National bookstore. Bumili ako ng isa, yung may old and new testament na NIV (New International Version) meron din akong iseshare about this version.
Habang nasa bahay ako, inumpisahan ko nang basahin ang tungkol sa Deuteronomy. Meron akong naintindihan at meron ding hindi. Sa tutuo lang hirap akong unawain ang mga nakasulat doon. Naisip ko kaya siguro iilan lang ang nagbabasa neto kasi ang hirap niyang intindihin. Hindi pa gaanong nagtanim sa isip at puso ko ang lahat nang nabasa ko. Sinabi ko kay Lord iyon.
Hindi na uli ako nagbasa ng bibliya.Hindi ko nagawa iyon, lagi kong ipinagliliban ang pagbabasa. Lagi kong sinasabi sa sarili na next time na lang.
Nagising ako nang mga alas kuwatro ng madaling-araw, ayon sa wall clock sa kwarto namin. Nanatili akong nakahiga. Nag iinin. Nakatitig ako sa kisame. Nagulat ako, ang buong kisame ay naging isang bukas na bibliya! Gumagalaw ang bawat salita! Tila may buhay. Nananaginip ba ako? Kinurot ko ang aking sarili sa tagiliran sa bandang itaas ng hita sa pag aakalang nanaginip lang ako o namamalikmata! Pero gising na gising ako, wala akong naramdamang takot kundi pilit kong binabasa sa pag aakalang marahil may gustong ibigay na mensahe ang Panginoon. Hindi ko na namalayan kong gaano katagal ang tagpong iyon. Bumangon ako at nanalangin, tinanong ko kay Lord kung ano ang nais niyang ipahiwatig sa akin.
Napakabait talaga ni Lord, matapos kong ihingi sa Kanya na bigyan ako ng sapat na pang unawa sa mga ipinakita Niya sa akin. Sinagot Niya ang panalangin ko! Basahin ko ang mga salita Niya sa bibliya.

Huwebes, Marso 29, 2018

Muntik na kitang minahal...




♪♫"Ngayon ay aaminin ko na
Na sana nga ay tayong dalawa
Bawat tanong mo'y iniwasan ko
Akala ang pag-ibig mo'y 'di totoo
'Di ko alam kung ano ang nangyari
Damdamin ko sa 'yo'y hindi ko masabi
Hanggang ang puso mo'y mapagod
Sa paghihintay kay tagal
Saka ko lang naisip muntik na kitang minahal" ♪♫♪💓



Pamilyar ba kayo dyan sa kanta na yan?nakakatuwa lang kasi alalahanin na minsan sa buhay natin ay dumaan sa buhay natin yan.


Naranasanan nyo na ba na may mahal ka pero may mahal nang iba? O para sa mga high school, yung tipong may crush ka pero iba ang crush ng crush mo? Saklap di ba? Pakiramdam mo parang katapusan na ng mundo? Gumuguho na ang mundo mo. Ang sakit sakit. Hirap bumangon sa kama. Parang ayaw mo nang pumasok sa school o sa trabaho. Haaaaay.


Nung high school ako, may transferee sa school namin. Hindi ko alam kung expelled o nakick out ba siya sa school nila. Pero third year high school palang kami nun. Siguro bad boy siya sa kanila para makick out?

Naalala ko pumasok siya sa room namin, magiging classmate ko pa pala. Ninety percent ata ng mga girls, kinikilig sa kanya. Pero isa ako sa ten percent na hindi kinikilig sa kanya. Yung ibang mga girls, akala mo sinisilihan ang mga pwet sa kilig na parang nakakita ng ipis na numinipis ang mga boses. Kanya kanya na silang pagpapacute.

Hindi lang sa classroom namin pati sa ibang mga sections at ibang high school levels. Siguro dahil transferee? Siguro kase bad boy image niya? Iba ang dating siguro sa mga high school na kick out ka sa school? Cool siguro sa kanila yun? Hindi ko alam eh pero di ko talaga sya type,pero sa kalaunan naman nakita ko din ung ugali nya mabait naman pala kaya lang wala pa din sa isip ko ung mga bagay bagay na tungkol sa love kasi ang isip ko noon ay iba.Di ko rin napigilan na mag kacrush din sa kanya kasi nga gentelman at mabait naman pala..Sobrang saya. Sobrang nakakakilig lang talaga...

Days, weeks, months ang lumipas.

Lumipas na din ung nararamdaman ko kasi nga iba ung priority ko noon sa buhay din.

-NC


Miyerkules, Marso 28, 2018

KAILAN BA ANG PERFECT TIMING PARA SABIHIN NA NASASAKTAN KA NA?...




KAILAN BA ANG PERFECT TIMING PARA SABIHIN NA NASASAKTAN KA NA?

Naglilinis ako kanina at ang dami kong nahalukay na journals ko. Nakuha ko pa yung isang journal na puro sama ng loob at disappointment sa buhay na dati di pa ako malalim sa Panginoon,(Salamat sa Diyos,kasi ngayon malaki ung pagbabago na ginawa Nya sa buhay ko,na hanggang ngayon ay patuloy na binabago pa din ako ng Lord,)...haha! Sakit talaga sa ulo kapag malayo ka sa Panginoon dati, haaaaaay!.. Pero natatawa na lang ako kapag nababasa ko kase ang drama ng mga pinagsusulat ko rin.

Kapag nasasaktan kase ako, tumatahimik lang ako. Hindi ko ma-express agad agad yung gusto kong sabihin.At madalas ay nana misunderstood pa ako,. Ang hirap kasing i-edit agad sa utak tapos nasasaktan ka pa. Maganda kase na perfect yung sasabihin mo sa kanya at kalmado ka.At di kaya minsan di lang ako marunong makaintindi,.. Mahirap magsabi ng nararamdaman kapag nasasaktan ka, kase baka masaktan mo rin siya.Kaso nakakasakit din ako at sa isang banda ng isang isip ko ayaw kong makasakit talaga at nais ko lang manahimik lamang kaso itong bibig ko,may gustong sabihin, Minsan di ko na nga maintindihan ung sarili ko.

May mga bagay bagay kase minsan na nagagawa o nasasabi natin kapag galit tayo. At pagkatapos mo nang sabihin ang nasa saloobin mo, magsisisi ka pagkatapos kase may mga bagay na nasabi mo na hindi mo na sana sinabi, mas lalo tuloy magkakalamat ang relationship nyo.
Kaya ako kapag nasasaktan, tumatahimik lang ako at nagsusulat. Doon ko lahat binubuhos ang gusto kong sabihin sa lahat ng tao. Hindi mo kailangang i-edit yung sasabihin mo, hindi kailangang galingan ang mga words, walang judgment, malaya ka kung ano ang gusto mong sabihin.
Mas pinipili ko kase na magspread ng good vibes at love lang lagi. Gusto ko masaya lang lagi sa paligid ko. Kapag malungkot ako, nagkukulong ako sa room ko at nagsusulat lang ng mga saloobin ko. Ayaw ko naman na iparamdam sa mga taong hindi involved yung sama ng loob ko. Mabigat kase yun saka unfair naman sa kanila. Ayun ang mga taong dapat din iwasan, yung hinihila ka nila sa magulo nilang mundo para pare pareho kayong bitter at madrama sa buhay.
Huwag kang maniwala kapag sinasabi ko na walang problema, na ok lang ako. Dahil sa totoo lang, nagdurugo na ang aking puso. Huwag kang maniwala sa mga ngiti na binibigay ko, dahil sa totoo lang gusto ko nang umiyak at tumakbo. Akala mo walang problema, pero sa totoo lang parang namamatay na ako.
Pero ngayon ay di na,..Masarap pala ang mabuhay lalo na kapag nasa iyo si Kristo.. kasi simula nung tinanggap ko ang Panginoong Hesus sa buhay ko,ay dun ko nakita ko ung peace na hinahanap ko,pati ung faith na binigay ng Lord sa akin,na alam ko madaming Promise ang Lord sa akin kaya confident ako,at may assurance ako na di pababayaan ng Lord.
Ang pagsusulat ko ngayong ay isang libangan na lang  din at dito kasi na express mo ung mga nais mong sabihin at mangyari sa buhay mo, at saka isa pa sabi nila din kapag nalulungkot daw tayo,magsulat lang tayo,at isulat natin ung mga nais nating sabihin.
Kaya kapag nasasaktan ka, isulat mo lang sa papel at kasabay ng panalangin din.
Walang di maayos kapag pinagdasal mo at nanalig ka.Ganyan na ngayon ang ginagawa ko, lalo na kapag nasasaktan ako,iniiyak ko sa Lord at humihinge ako ng comfort mula sa Kanya...
God bless everyone...

Lunes, Marso 5, 2018

Sulat-Kamay







Ako ang pagsikat ng araw habang siya ang paglitaw ng buwan. Hindi kami kailanman magkakasabay ngunit alam namin na ang bawat isa ay kaagapay. Hindi man kami magtagpo, araw at gabi namin ay buo–‘pagkat nandiyan siya sa tuwing wala ako at nandun ako sa tuwing wala pa siya. 

Huwebes, Enero 11, 2018

Balat Sibuyas




Sa dami ng nagsusulputang churches.Alin kaya ang dapat mong puntahan?Kung lahat sila ay mag iinvite sa iyo,anong gimik,kaya nila ang makakahatak sa iyo?


Ang church ay hindi lang naman organization o company na kung saan ay puwede tayong mag resign kung ayaw na natin or kaya bibigyan ka ng Memo kapag nagkakamali ka at may gusto silang nais na iparating or ipagawa sa iyo.

The Church is a community,at the very least,it is supposed to be family,second family pa nga kung tutuusin di ba?Pinag aaralan natin yan sa Sunday School at napag uusapan lagi sa mga cell groups.

Walang nagreresign sa isang pamilya or walang umaalis at nang-iiwan.Ano pa ba ang mas tawag sa mga aalis or nang iiwan na nga lang eh gusto pang magtangay ng blessing?At wala din namang talagang perfect family,lahat ay may kakulangan ang bawat isa,kahinaan at kapintasan.At hindi rin maganda na palipat lipat tayo ng church,magiging parang bato lang tayo na pagulong gulong at di nagkakaugat pati.Walang perfect na church or pamilya,

Masakit ung umaalis,pero sigurado ako na mas masakit ung iniwanan na lang ng bigla,ni walang paalam man lang at di maisip kung ano ang pagkukulang.Di man lang  nabigyan ng pagkakataon na maipaliwanag ang side nung iniwanan at nilisan ng walang paalam.Kahit naman siguro ung mga ruthless,may puso din sila,Tao din sila.Obviously ,nagkakamali,. Perhaps,human nature got better of them sa maraming pagkakataon.Christian may claim to be forgiven and born again,but they are not sin-proof.

Sadly,kadalasan  mas malala nga lang ata  ung pagiging sinner,but just to put it bluntly,the church may indeed be built by God Himself,but we are still,sabihin na nating,"assembled in China,"

Pero ganun naman talaga dapat na ang isang pamilya,na dapat ay stick to each other through thick and thin.Lalo tayong mga Pilipino,lumalayo man tayo sa ating mga mahal sa buhay,pero iyon ay para buhayin ang ating pamilya.

At hindi para takbuhan sila...

Miyerkules, Enero 10, 2018

Maaari...




“Maaari kasing mahalin ang isang bagay kahit hindi mo gusto, pero parang mahirap gustuhin ang isang bagay na hindi mo mahal.” 


Happy New Year 2018  sa ating lahat,.Bagong buhay,bagong pagpapala ang makakamtam nating lahat at yan ang dalangin ko sa ating lahat,..Lagi ko din panalangin ung magandang kalusugan sa aking buong pamilya,At ibigay ng Lord ung desire ng nais ng aming puso,patuloy na lumago sa paglilingkod sa Panginoon,physically,spiritually at emotionally...At higit sa lahat ay patuloy na ma enjoy ko ung buhay na binigay ng Lord sa akin sa mabuting paraan kasi di naman natin alam kung hanggang kailan pa tayo mabubuhay.Whew...grabe medyo napahaba ng intro ko dito sa aking blog...


At eto nga ung nasulat ko at nahagilap ko, na maari kasing mahalin mo ang isang bagay kahit hindi mo gusto,pero parang mahirap gustuhin ang isang bagay na hindi mo mahal,Tutoo yan at palaging nangyayari yan sa ating buhay na kung minsan talaga napipilitan tayong gawin ang isang bagay na kahit di mo gusto.Napapamahal ka na pala sa isang bagay na kahit di mo gusto,Pero ung mahalin ang isang bagay na ayaw mong mahalin ay di puwedeng mangyari kahit na anong gawin.Di nabibili ng salapi ang pagmamahal kusang umuusbong yan,madalas di mo na nga maintindihan kung bakit mo patuloy minamahal ang isang bagay kahit wala namang katiyakan...


Nais ko din mas lalo akong sipagan sa pagsusulat,dahil sa aking pagsusulat ay naihahayag ang nilalaman ng aking puso at isipan,pati na din ung imahinasyon ko.May sariling mundo kang binubuo kapag nagsusulat ka at pakiramdam ko,napakamapakapangyarihan kong nilalang sa tuwing ako ay nagsusulat,sapagkat doon ay puwede akong umiyak,tumawa,matakot at mga iba pang damdamin na nais kumawala sa aking puso....Dahil doon ay kaya kong gawin at sabihin ang lahat ng gusto kong mangyari sa aking isipan,..Napakasarap magsulat, napakahirap din kung minsan kasi minsan walang pumapasok sa aking isipan kaya minsan or madalas ay nagbabasa ako at kung minsan naman ay nag iinterview ako ng mga tao para malaman din ang opinyon nila at madalas nakakapulot din ako ng mga kaalaman mula sa mga taong nakakausap ko..


Maraming mga bagay akong nais na ibahagi at ikuwento sa inyong lahat kaya lang minsan kasi nag iisip pa ako,..Isa lang laging sigurado sa aking buhay ay simula nung nakilala ko ang Diyos sa aking buhay ay nagkarun ng direksyon ang aking buhay,unti unti ay binabago Nya ako,at patuloy na hanggang ngayon ay binabago Nya ako,..Unti unti ko din nalalaman ung mga talento na binigay Nya sa akin,...

Lunes, Enero 8, 2018

Neera's Quotes




“Totoo pala na kulang ang salita para sa lahat ng nararamdaman.” 


"Utang kong ibigin ka!" #servanthood


"Naririnig pero hindi nakikinig"


"Ngayon alam ko na kung bakit mas pinipili ng ibang tao na umalis kaysa manatili-
kasi mas pinapahalagahan ng karamihan ang nawala kaysa natira"


"Sa bawat minutong lumilipas,..Hinahanap-hanap kita."